Monday, February 11, 2008

A LITTLE OF REALITY - Chapter Three

HIS PRECIOUS WORDS

Kim: (Shucks! Bitin! Kainis! Hmp!)

Ken: Ano? Enjoy ba?

Trixie: Oh. Bakit ganyan itsura niyo?

Chris: Wala.

Nauna nang lumabas si Chris ng kwarto dahil tinawag na siya ng mga kabarkada niya. Samantala, naiwan naman si Kim sa loob. Gulung-gulo ang isip hanggang sa lapitan siya ni Dave.

Dave: Ano nangyari? Ok ka lang?

Kim: Nakakainis! Dinescribe kasi ni Chris yung physical appearance nung girl, halos lahat nagmatch sakin. Tapos, sasabihin n asana niya kung sino kaso…

Dave: Kaso ano?

Kim: Binuksan na ni Gab yung pinto! Wah! Bitin na bitin ako! Haiz.

Dave: Haha! Ok lang yan. Sa tingin ko naman ikaw yung babaeng gusto niya.

Baron: Guys, punta naman tayo sa bahay nina Chris.

Anne: Oo nga. Hindi pa ‘ko nakakapunta sa inyo eh.

Chris: Sige. Girls, ok lang ba sa inyong lakarin natin?

Kim: Oo naman. Malapit lang yun eh.

Matt: Good! Let’s go!

Pumunta na ang buong barkada sa bahay nina Chris. Pagdating doon ay naghapunan na sila. Bonding to the max ang nangyari sa gabing iyon hanggang sa magkayayaang umuwi.

Trixie: Chris, uwi na kami. Gabi na eh. Thanks ha!

Others: Bye!

Palabas na sana ng pintuan si Kim ng biglang…

Chris: Kim! Hatid na kita.

Kim: ‘Wag na. Kaya kong mag-isa.

Matt: Ayiee. Kim, ano ka ba. Magpahatid ka na.

Chris: Oo nga at kahit na kaya mo, babae ka pa rin. Delikado para sa isang babae ang maglakad sa kalsada ng ganitong oras. Gabing-gabi na kaya!

Dave: Tama si Chris. ‘Tol, ikaw na bahala diyan ah. Ingatan mo ‘yan! *smiles* Sige, alis na kami.

Sumunod na si Dave sa iba niyang kabarkada ngunit bago pa man siya makalayo sa may pintuan…

Kim: Dave! *approaches Dave*

Hinawakan ni Kim si Dave at binulungan. Nainggit si Chris nang makita niya ang pangyayaring ito.

Kim: Shucks! Iiwan mo talaga ko? Sabay na ko sa inyo ni Gab.

Dave: Ano ka ba? Pagkakataon mo na ‘to noh! ‘Wag ka nang pakipot. Haha!

Kim: Eh. Pa –

Dave: Bye! Haha! Chris, ayusin mo ah! Hahaha!

Chris: Oh, ano? Halika na!

Kim: Promise, ok lang ako. Malapit lang naman bahay namin dito eh.

Chris: Ayun nga, malapit lang naman kaya ihahatid na kita.

Kim: ‘Wag ka nang mapilit. Hayaan mo na ko mag-isa. Kaya –

Biglang hinila ni Chris si Kim palabas ng bahay.

Kim: Kainis ka naman. Kailangan ba talaga akong hilahin para lang mahatid mo?

Chris: Lahat gagawin ko para masigurong safe ka. =)

Kim: Wooh! Concerned ka pala sakin ah! (Gosh! Ang sweet naman niya! Nakakapanibago)

Chris: Siyempre! Friend kita eh.

Kim: Fine. (Ouch! Friend lang??)

Pagkalabas nila ng gate…

Chris: Oh. Bakit bigla kang nanahimik diyan?

Kim: Ha? Wala. Siguraduhin mong makakauwi kang mag-isa ha.

Chris: Oo naman. Ako pa!

Habang nasa daan sila…

Kim: *ginulat si Chris* Hoy! Bakit ikaw naman ang nanahimik ngayon?

Chris: Ah.. Eh wala naman akong dapat sabihin eh.

Kim: Ahh. So, kamusta naman yung girl? Sino ba kasi siya?

Chris: Sinong girl?

Kim: Yung girl na love mo. Yung dinescribe mo pa sakin kanina. Bitin kasi eh!

Chris: Ahh, yun. Hindi ko na pwedeng ikwento sayo kasi tapos na yung dare. Hahaha!

Kim: Ang daya mo talaga!

Chris: Bakit? Madaya ka rin naman ah! Hindi mo rin sinasabi sakin yung guy na mahal mo.

Kim: Well, parehas lang tayo. So it means, quits tayo! Hahahaha! …Aaahh! –

*thud!!*

Natigilan si Chris at tumingin kay Kim. Nagtaka siya kung bakit sumigaw ang kanyang kasama. Pagtingin niya kay Kim, nakahandusay na ang babae sa sahig.

Chris: Kim! Ano nangyari?! Ok ka lang?! Nasaktan ka ba?! Gusto mo buhatin na kita?! Ano gagawin ko?!

Kim: A-a-ah! ( Ang saaaakiiiit!!)

Chris: Hoy! Magsalita ka naman! Kim!!

Kim: G-grabe ka naman. N-na-napatid lang ako. OA ka masyado. I’m ok. (Kahit hindi!!) Galos lang naman… yata!

Chris: *deep breath* O ano, kaya mo bang tumayo?

Kim: *tries to stand up* Hmm =(………… napilayan yata ako.

Chris: Hay nako! Tulungan na nga kita. Dali, kapit ka sakin.

Inakay ni Chris si Kim papunta sa bahay nila.

Chris: Galos nga lang, nagkasprain naman.

Kim: ‘Wag mo na nga akong asarin! Nadapa na nga yung tao eh! Ang sakit kaya!

Chris: Biro lang. Lalampa-lampa ka kasi. Hahaha! =D Sa susunod, magdala ka lagi ng blue cookie.

Kim: Huh? Anong blue cookie?

Chris: Blue cookie. Parang coin lang siya na kulay blue. Sabi kasi ng dad ko, lucky charm daw yun tsaka iwas disgrasya. Bagay sayo! Hahaha! Joke lang!

Kim: Saan naman makakakuha nun?

Chris: Sa Hong Kong!

Kim: Nye. Papupuntahin mo pa ‘ko doon!

Chris: Hindi. Marami ako sa bahay. Bigyan na lang kita.

Kim: Ok… Ouch! Huhu. Ang sakit talaga. Hindi ko na yata kaya.

Chris: Tiisin mo na lang, malapit na tayo oh. Natatanaw ko na bahay niyo.

Kim: Haay. Kung minamalas ka nga naman.

Chris: Hindi malas yan. Lampa ka lang talaga! Oh, oh, oh! Joke lang!

Kim: Nako! Tigilan mo na nga ako.

Chris: Pinapatawa lang kita. ‘Kaw naman.

Kim: Yey! We’re here! Finally!

Chris: Hatid na kita sa loob.

Kim: Siyempre! Ano gusto mo? Gagapang ako papunta sa loob. Ang layo kaya ng gate sa main door!

Chris: Sabi ko nga =). Sorry naman!

Pagdating nila sa pintuan.

Kim: Sige, ok na ‘ko. Papatulong na lang ako kay yaya.

Chris: Sure ka ah?

Kim: Yes, sir! =D

Chris: Sige, bye!

Kim: Bye!

Nang makarating na si Chris sa may gate.

Kim: Chris!

Paglingon ni Chris…

Kim: Ahmm… I-ingat!

Chris: Mas kailangan mo ang ingat! Hahaha!

Habang pauwi na si Chris…

Chris: Hmm.. What a night! Ang daming nangyari ah! Pero badtrip, hindi pa rin yata nadagdagan pogi points ko! (Hay Chris, bakti kasi ang torpe mo, hindi mo pa kasi aminin eh!)

Nang dumating na siya sa bahay nila, saktong tumawag si Matt.

*on the phone*

Matt: Ano, kamusta paghahatid mo kay Kim?

Chris: Ayun, nahatid ko naman pero unfortunately, nagkasprain siya.

Matt: Pa’no naman nangyari yun?

Chris: Hindi kasi siya tumitingin sa dinadaan niya eh, ayun tuloy, natalisod at napahandusay sa sahig.

Matt: Ano ginawa mo?

Chris: Siyempre inakay ko pauwi!

Matt: Naks naman! Edi nakascore ka na sa kanya!

Chris: Ewan. Basta! Haha!

Matt: Oh sige, ligo na ko. Kita-kits na lang bukas!

Chris: Geh, bye!

4th Setting: St. Miriam High School, Feb. 13 Wednesday

Kinabukasan…

*the bell rings*

Anne: Guys, good news, wala daw si Ms. Floro ngayon!

Trixie: Pa’no mo nalaman?

Anne: Sabi ni Ms. Reyes sa akin kanina, nakasalubong ko.

Chelsea : Wow, edi maganda.

Biglang dumating si Gabby.

Gab: Hey girls!

Trixie: Hey! Late ka na naman?!

Gab: Actually, no. It’s not yet 7:01! Hahaha!

Anne: Nako. Haha!

Chelsea: Teka lang Gab, asan si Kim?

Gab: Nagtext kasi siya sa akin kagabi, aabsent daw siya ngayon.

Anne: Bakit daw?

Gab: Hindi ko alam eh, hindi na kasi siya nagreply nung tinanong ko. Nakatulog na yata.

Nagkataon naman na si Dave ay napadaan sa kanila, kaya tinawag si ni Gab. Samantala, si Chris naman ay nakikinig sa ‘di kalayuan kasama ang barkada niya.

Gab: Dave, nasabi ba sa’yo ni Kim na absent daw siya ngayon?

Dave: Oo. Tumawag siya sa’kin kagabi.

Trixie: Anu daw meron?

Dave: Hindi daw siya makalakad.

Chelsea: Huh? Bakit? Anu nangyari?

Dave: Nagkasprain daw siya kagabi. Natalisod siya habang hinatid siya ni Chris pauwi sa kanila.

Gab: Really? Kailan daw siya papasok?

Dave: Hindi ko pa alam eh.

*cellphone beeps*

1 new message received
from Kim

Gab, psbi n ln s teachers ntin n may skt ako kung may mgtnong mn. Pti n rn kina Dave, Chelsea, Anne and Trix, pro wg n kaung mg-alala, mejo nkktyo na ko. Hehe. Tnx! =)

*Gab read Kim’s message loudly, thus Chris heard it.*

Chris: (Bakit ganun, hindi niya ako sinama sa text message niya? Hindi lang naman sina Chelsea ,

Anne, Trixie, Gab at lalong lalo na si DAVE ang nag-aalala sa kanya… Ako rin naman ah!)

Matt: Hoy! Nakatulala ka diyan?

Chris: Ha?! Wala may naisip lang ako.

Matt: Ano naman ‘yun?

Chris: Wala, wala. Nevermind.

Baron: Sus. Malamang si Kim nanaman yang nasa isip mo ngayon!

Ken: ‘Tol aminin mo na kasi sa’min matagal ka na naming kilala kaya kabisado ka na namin!

Chris: Oo na, hindi kayo nagkakamali. Siya nga iniisip ko.

Biglang lumapit si Dave sa grupo ng mga boys.

Dave: Hoy guys!

Matt: Hello! Ano kumusta na raw si Kim?

Dave: Ayun hindi makakapasok dahil sa sprain niya.

Matt: Oh.Pakisabi na lang kapag nag-usap kayo, na nangungumusta kami, lalo na ‘tong si Chr..

Chris: ‘Tol ‘wag na.

At biglang umalis si Chris..bago pa man makapagsalita si Dave.

Dave: Anong nangyari dun?

Baron: Masyado kasing nag-aalala kay Kim.

Dave: Nagpasabi naman si Kim na huwag nang mag-alala ah.

Matt: Alam mo palagay ko, nagseselos ‘yun sa’yo.

Dave: Sa akin? Bakit naman?

Matt: Eh kasi nagkaganun 'yun nung binasa ni Gab yung text ni Kim, eh narinig niya na ikaw lang yung lalaki na sinama ni Kim sa text message niya.

Dave: Ah, yun ba? Baka naman kasi sa palagay ni Kim alam na ni Chris yung lagay niya kasi magkasama lang naman sila kagabi eh. Tsaka bestfriends kami nun, natural lang ‘yun.

Ken: Pwedeng ‘yun nga, pero alam mo naman ‘yun, may pagkamatampuhin.

Dave: Teka nga, saan kaya ‘yun pumunta?

Baron: Aba, malay namin. Hahaha!

Ken: Baka nagmamaktol na dun! Haha!

Dave: Tama na nga iyan.

Matt: Pabayaan niyo na ‘yun. Lilipas din ‘yung tampo niya, mamaya mag-iingay na rin ‘yun.

After a couple of minutes, bumalik na sa room si Chris. Wala pa rin silang teacher.

Dave: ‘Tol okay ka lang?

Chris: Oo. ‘Sensya na kanina.

Dave: ‘Tol naman, wala kang dapat ipagselos sa’kin. Bestfriends kami ni Kim, natural lang ‘yun.

Chris: Tama ka, sinabi na rin sa’kin ni Kim ‘yan dati eh. Nagtataka lang ako, bakit hindi niya ko sinabihan.

Ken: ‘Tol naman! Gamitin mo common sense mo! Siyempre alam mo na ‘yung nangyari sa kanya.

Chris: Singit ka talaga! Sabagay, tama ka naman. Haaay.

Matt: Hoy! Andiyan na si Mrs. Siat.

Baron: Tae! Dumating pa ‘yung bakulaw!

Others: Sshh!

Dave: Marinig ka niyan. Sige ka! Hahaha!

Natapos na ang araw ngunit hindi pa rin mapalagay si Chris. Pagdating niya sa bahay nila.

5th setting: Chris’ Room, 5:30pm

Chris: *hawak ang phone* Ano bang gagawin ko, tatawagan ko ba siya o hindi? Kung tatawagan ko siya ano namang sasabihin ko? Hay!

At hindi pa rin siya nakapagpigil. After ten years ng pagdedecide, tinawagan na niya si Kim.

Chris: Hello, Kim!

Kim: Oh, Chris, bakit ka naman napatawag?

Chris: Wala lang. Hehe. Musta ka na?

Kim: ‘Wag ka mag-alala medyo okay na ko. Natatapak ko na ‘yung paa ko. Haha!

Chris: Ah, buti naman, pinag-alala mo ako ah.

Kim: Ha?

Chris:Wala, sabi ko ang ganda mo. Hahaha!

Kim: Matagal ko nang alam iyon! Hahaha!

Chris: Hehe. Ano ginagawa mo ngayon?

Kim: Eto, nakakulong sa kwarto, nanonood ng t.v.

Chris: Haha, parehas lang pala tayo.

Kim: By the way, may assignments ba tayo?

Chris: Wala naman, marami-raming teachers kasi ang wala kanina, may deliberation kasi ibang year level kaya halos wala ring klase kanina.

Kim: Haha, ang swerte ko naman! Wala ako masyadong mamimiss na lesson.

Chris: Hehe.. Right!

Kim: Nga pala, hindi ko sure kung makakapunta pa ako sa birthday mo. Sabi kasi ng doctor, kailangan ko daw magpahinga. Sorry talaga, gusto ko man pumunta, hindi talaga pwede.

Chris: Ahh. Ganoon ba? (Ikaw pa mawawala sa birthday ko!) Ok lang (kahit hindi!), basta ang mahalaga magpagaling ka na.

Kim: Sure! Pero try ko pa rin. Don’t wanna miss your birthday eh! Haha!

Chris: Sige, ingat. Bye!

Kim: Bye!

*hangs up*

Chris: Tae! Ano na kaya mangyayari sa birthday ko kapag wala si Kim?! Aaarggh!

^to be continued...:D^