Sunday, April 19, 2009

A LITTLE OF REALITY - Chapter Five

SURPRISE

8th Setting: Mount Groove Ville, The Gonzales Mansion, Feb. 15 Friday, 5:30pm

Yaya: Ms. Kimberly may mga bisita po kayo.

Kim: Talaga? Sino?

Bumaba agad si Kim mula sa kanyang kwarto at hindi na hinintay ang sagot ng kanyang Yaya. Nagulat siya sa kanyang naabutan sa living room…

Gab: Hey Kim!

Chris: Uy, Kim! Nandiyan ka na pala.

Others: Hi, Kim!

Dave: Sorry kung biglaan. Nagkayayaan kami eh.

Matt: Actually, si Chris tala –

Chris: Tatanungin ko sana kung makakapunta ka na bukas.

Kim: Naku! Chris, pasensya na. Mukha yatang wala nang pag-asang makapunta pa ako sa birthday mo eh.

Chris: Ahh.. Eh.. Bakit naman?

Kim: Tuloy kasi yung reunion namin.

Chris: Ganun ba? Sige, wala naman akong magagawa tungkol sa bagay na ‘yan.

Kim: Sorry talaga! Babawi na lang ako sa gift. Ano bang gusto mo? Baka kasi magtampo ka diyan eh. *laughs*

Chris: Sus, wala yun! Hindi naman kailangan eh. *whispers* Ok na sana yung makapunta ka.

Kim: Ha? Ano yun?

Chris: Hindi, wala. Wag mo na intindihin yun.

Kim: Ok. Pero ano ba gusto mong gift?

Chris: Wag na.

Kim: Dali na. Ano nga?

Baron: Kayong dalawa talaga! Chris, sabihin mo na kasi.

Chris: Sa totoo lang.. (ikaw gusto kong gift!) ..wala naman talaga. (torpe!)

Matt: Hay nako. Alam mo Kim, kung ayaw niya sabihin, hayaan mo na lang yan.

Kim: Fine, nevermind. Uhm, guys, dito na kayo mag-dinner. Ok lang?

Gab: Sure, no problem!

Others: Sige!

Kim: Tara na sa dining room.

Pagkatapos nilang kumain ay umuwi na rin silang lahat. Si Chris naman, malungkot na naglakad pauwi.

9th Setting: Mount Groove Ville, Hernando’s Residence, Feb. 16 Saturday, 3pm

Chris: ‘Tol, nandito na ba lahat?

Matt: Oo, kumpleto na barkada pati mga girls. Si Kim lang talaga wala.

Chris: Haay. Umaasa pa rin akong darating siya.

Gab: Naku, Chris! Tumawag ako sa bahay nina Kim kanina pero sabi ng maid umalis na raw sila. So it looks like pumunta na sila sa reunion.

Ken: Diba sinabi na rin naman niyang hindi na siya makakapunta kaya wag ka nang umasa. Tuloy ang party!

Baron: Onga ‘tol. Birthday mo kaya dapat magpakasaya tayo!

Dave: Tama, Chris! Ano guys, billiards tayo?

Trixie: Game!

Anne: Chris, cheer up! Idaan na lang natin yan sa billiards, ok?

Chris: Sige, tara!

And so, tuloy ang party kahit wala si Kim. Pinilit ni Chris maging masaya dahil birthday niya. Ngunit hindi yun naging madali.

Matt: Hoy! Bakit ka nakasimangot?

Chris: Nalulungkot lang ako. Wala kasi si Kim tapos kahit sa text hindi rin siya nag-greet ng happy birthday.

Dave: Hindi pa naman tapos ang araw eh. 5pm pa lang, malay mo mamaya magparamdam na yun.

Kim: Bakit mamaya pa kung pwede namang ngayon na? =)

Nagulat ang lahat nang marinig nila ang boses ni Kim. Hinanap nila kung saan nanggaling ang boses at nakita nila si Kim na nakatayo sa may pintuan ng billiard room.

Chris: K-k-kiiiiim!!

Kim: Happy Birthday! Sorry kung pumasok na lang ako bigla. Gusto sana kitang i-surprise eh. =)

Baron: Na-surprise nga siya! Sobra pa nga ata eh, hindi na maka-react oh. Hahaha!

Ken: Hoy ‘tol! Ayos ka lang?

Chris: Oo naman! Ano ba kayo!

Trixie: Kim, akala ko ba hindi ka makakapunta?

Gab: Oo nga. Tumawag ako sa bahay niyo kanina, nakaalis na raw kayo ah.

Kim: Long story eh. Basta biglang hindi natuloy yung reunion. Gusto kasi ng lola ko na isabay na sa 1st birthday ng bunso naming pinsan. Kaya ayun, nandito na ko!

Dave: That’s great! Now you can join the party! Diba Chris?

Chris: Ha? Ah.. Eh.. Oo! Tama! You’re just in time! Manonood na kami ng movie.

Chelsea: Teka, kanina lang ayaw mong manood ng movie ah!

Chris: Kanina yun. Tara guys, to the theater room!

Matt: Ibang klase ka talaga ‘tol! Haha!

Kim: Uhm.. wait! Chris, anong movie ba panunuorin natin?

Chris: 300. Actually napanood ko na yun eh. Gusto ko lang ulitin. Hindi mo lang alam, but I’m really interested in History. Haha!

Kim: Wow! Really? That’s cool!

Chris: Mahilig ka rin ba sa History?

Kim: Hmm.. Hindi masyado, pero okay na rin.

Dave: Alam mo naman ‘yang si Kim, Math talaga ang favorite subject.

Chris: Oo nga pala, Ms. Math Wiz. Haha!

Kim: Ms. Math Wiz ka diyan! Haha!

Pumasok na ang buong barkada sa theater room nina Chris. Siyempre, nagtabi-tabi ang mga lovers: Matt & Trixie, Ken & Anne, Baron & Chelsea. No choice sina Dave at Gab kundi magtabi since best friends naman sila. Sina Chris at Kim naman ay sa harap umupo since naubusan na sila ng upuan at napagtripan na rin ng barkada.

Baron: Sigurado ka ba Chris na eto panunuorin natin?

Chris: Bakit, ayaw niyo?

Matt: Hindi, ok lang. Birthday boy ka naman eh!

Baron: Boring kaya, ‘tol!

Ken: Tumigil ka nga! Pagbigyan na lang ang birthday boy.

Chris: Ok lang kung gusto niyong palitan.

Dave: Ayos na yan!

Chelsea: Nako Chris, ‘wag mo na ngang pakinggan ‘tong si Baron. *to Baron* Tumahimik ka na lang kasi!

Baron: Yes, ma’am! Sorry na. *puppy dog eyes*

And so the movie started. After a few minutes, napansin ni Chris na parang hindi mapakali sa upuan si Kim.

Chris: Ok ka lang?

Kim: Ha? Ah.. Oo.

Chris: Giniginaw ka yata eh. Eto oh, gamitin mo muna jacket ko.

Kim: Teka, pano ka?

Chris: Sus. Kahit mamatay pa ko sa lamig basta okay ka lang. =)

Kim: Naks! Ganun ba kapag birthday? Nagiging bolero. Haha!

Chris: Hehe. *pabulong* Hindi naman ako nagbibiro ah.

Kim: Ha?

Chris: Wala wala. Sabi ko ang galing nung bida.

Kim: Ah. Oo nga eh.

Chris: (Pinagana mo na naman pagka-torpe mo sa kanya! Bakit sa ibang girls naman hindi ka natotorpe? Haaay.)

Sa kalagitnaan ng movie...
Hindi pa rin matigil si Baron kaya nagdecide siya na mag-gm sa barkada except kina Chris at Kim. Nagkaroon sila ng “conference” thru texting.

Baron: Guys, alis n tau! Iwan ntin cna Chris. Haha!

Gab: Wag kaung gnyan. Bday n bday nung tao eh.
Trixie: Aus lang yan Gab. It’s for his own gud nman eh.

Matt: Oo nga! Para masolo n nya si Kim. Nyahaha!

Dave: Ano guys? Dahan2 taung umalis ah.

Anne: Game!

Dahil nasa harapan sina Chris at Kim, hindi nila napansin na iniwan na sila ng barkada. Natapos yung movie ng wala silang ideya na mag-isa na lang sila sa theater room.

Kim: Uhmm.. Nasaan na yung barkada?

Chris: Badtrip! Mukhang pinagtripan na naman tayo ah.

Kim: Ganun? Hahaha!

Chris: (Eto na yung chance ko. Sabihin ko na kaya sa kanya?) Uhmm.. Kim?

Kim: Yes?

Chris: Naaalala mo ba yung seven minutes in heaven natin?

Kim: Ah, oo. Why?

Chris: You asked me who was the girl I liked but I didn’t get the chance to tell you.

Kim: Uhm. Yeah. Sino ba kasi?

Chris: (Sigel ang Chris, kaya mo yan!) Ano kasi.. To tell you the truth..

Kim: (Shucks! Sasabihin na kaya niya talaga? Parang ayokong marinig. Bakit ako kinakabahan?)

Sasabihin na sana ni Chris ang totoo nang biglang...






Matt: Hoy Chris! Tapos na ba yung movie? Nagugutom na yung mga girls eh.

Chris: (Wrong timing naman ‘tong si Matt eh!) Oo. Sige, kumain na muna tayo. Kim, let’s go.

Kim: Okay. (Bitin na naman!)

Kumain na ang lahat ng dinner. Habang busy ang iba sa paglalaro ng video games...

Chris: Kim! Pwede ka bang makausap?

Kim: Sure.

Pumunta sa porch ang dalawa at doon nag-usap.

Kim: Ano yung sasabihin mo? (Patay, ano na naman kaya ‘to?)

Chris: Sorry ah. Nabitin kanina, si Matt kasi eh.

Kim: Ah. ‘Yun ba? That’s okay. =)

Chris: Anyway, matagal ko na talagang tinatago yung identity nung girl na gusto ko eh. Sa totoo lang, only the guys know who she is.

Kim: Talaga? Secretive ka rin pala.

Chris: Oo naman. Every guy has his own secret. Haha!

Kim: Kung sa bagay, tama ka. Kahit ako rin naman meron eh.

Chris: So, what I’m trying to say is that...

Kim: That?

Chris: Balak ko na sanang magtapat sa kanya ngayong gabi. Hinintay ko talaga yung araw na ‘to eh. Parang birthday gift ko na rin sa sarili ko. Pero everytime I get the chance to tell her, nauunahan ako ng kaba.

Kim: Nyek. Mr. Torpe? Hahaha!

Chris: Hindi naman. Haha! Ang weird nga eh, sa kanya lang ako ganito.

Kim: Wow. Sino naman kaya yung girl na yun? Baka pwede kitang matulungan! (Why am I saying this? Masasaktan na naman ako. Haay.)

Chris: Grabe, lagi mo na lang akong tinutulungan pagdating sa babae. Kahit sa mga past relationships ko lagi kang nandiyan. (Kaya siguro kita nagustuhan.)

Kim: Siyempre! ...(mahal kita eh.) Kaibigan kita eh.

Chris: (Hanggang friend lang ba talaga?) Thanks.

Kim: Ay, teka. Paano mo ba nalaman na gusto mo na pala siya?

Chris: (Paano nga ba?) Uhm.. Hindi ko nga akalaing magkakagusto ako sa kanya eh. Medyo close friend ko lang siya nung una. Siya kasi yung tipo ng taong masaya kasama. I find her very interesting, and the next thing I know.. I already have a big crush on her.

Kim: Mukhang tinamaan ka talaga ah. (Ang swerte naman nung girl! Teka, masaya kasama?)

Chris: Sinabi mo pa! =)

Kim: Sino kaya siya? Hmm... (Feeling ko talaga ako yun.. Ano ba, wag ka nga mangarap!) Excited na akong malaman!

Chris: (Ikaw yun! Ikaw!) Don’t worry, malapit ko nang sabihin –

Kim: Teka, ano bang sasabihin mo sa kanya kapag nag-confess ka na ng feelings mo for her?

Tumingin si Chris sa mga mata ni Kim at sinabing...

Chris: I like you. In fact, I think I’ve fallen in love with you. Sorry kung matagal ko itong tinago sa’yo. I was so afraid to tell you dahil alam kong may mahal ka nang iba.

Kim: Wow. That’s so sweet! (Parang sakin niya talaga sinabi. Gosh!)

Chris: Really?

Kim: Yup. Sabihin mo na kaya sa kanya!

Chris: I just did. =)

^to be continued.. :D^

Wednesday, April 15, 2009

UPDATE!

CHAPTER 5 of A LITTLE OF REALITY will be posted SOON! we promise! as in real soon :)