Saturday, June 21, 2008

Author's Note..

girls..! sorry kung nadedelay yung pagpopost namin ni kairon ng story.. medyo busy kasi kami.. 4th yr life eh! hahaha! :))

i hope you understand..

thanks nga pala to JUSTINE MANUEL (teng)! grabe, from the 1st chapter hanggang ung current na 4th chap. inabangan niya. haha! :D

Tuesday, March 18, 2008

A LITTLE OF REALITY - Chapter Four

CARNATIONS

6th Setting: Chris’ Room and Mount Groove Ville, Feb. 14 Thursday, 5am

Chris’ phone rings…

Chris: Ano ba ‘yan. Ang aga-aga may tumatawag agad. Sino kaya?... Uy, si Matt pala. Hello?

Matt: Hello, pasensya na at mukhang ako pa gumising sayo.

Chris: Ayos lang. Bakit ka napatawag?

Matt: Gusto ko lang malaman kung ready ka na.

Chris: For what?

Matt: ‘Tol naman! Anong date ba ngayon? Tumingin ka nga sa kalendaryo!

Chris: Sandali lang, ‘to naman. Oh ayan na. Feb. 14 ngaun, tapos?

Matt: Ano bang meron kapag Feb. 14?

Chris: Va-va-valentines Day! ‘Tol, I forgot! Wala pa kong regalo kay Kim, what should I do??

Matt: What are you waiting for?! Pumunta ka na sa flower shop, malapit lang naman iyon sa inyo ‘di ba?

Chris: Oo nga ‘no. Sige bye! Maliligo na ko. Salamat sa pag-papaalala!

Matt: Sige, tawagan mo nalang ako kung may kailangan ka. *whisper* Kasi naman, Valentines Day pa talaga kinalimutan.

Chris: Huh? Ano ‘yun?

Ken: Wala, sabi ko bilisan mo na! Baka maubusan ka pa ng ipangreregalo.

Chris: Sige ‘tol. Thank you ulit!

After niyang maligo, manalamin, at magpa-pogi…

Chris: Manong Rick, sa flower shop muna. May bibilhin lang ako.

Manong Rick: Sino date niyo ngaun, sir? Haha!

Chris: Wala ah. Bibigyan ko lang friend ko.

Manong: Sus! Sir, I was young long ago two, you know. You’re going to make ligaw? Who’s lucky the girl?

Chris: Nako, magdrive ka na nga lang manong! Haha!

In the flower shop…

Chris: Excuse me, miss. Nasan ‘yung mga tinda niyong bulaklak? Napaaga ba ako at wala pa kayong delivery?

Lady: Sir, actually, hindi po kayo napaaga. Nahuli na po kayo. Kani- kanina lang po kasi may nag-purchase na ng lahat ng tinda namin. Para po yata sa kasal.

Chris: Ganun ba? Wala na kayong stock kahit isa??

Lady: Hmm… Meron po kaso display lang namin ito sir.

Chris: Bibilhin ko. Name the price.

Lady: Nako, sir. Baka pagalitan ako kapag binenta ko ito.

Chris: Sige na, miss. Please! Importante lang. P450!

Lady: Sige na nga po, sir.

Chris: Yes! Salamat, miss!

Lady: Ang swerte naman po ng bibigyan niyo nito. Goodluck, sir!

Chris: Thank you!

Tinawagan ni Chris si Matt…

Chris: Hello.

Matt: Oh ‘tol. Kamusta ka na diyan? Nakabili ka na?

Chris: Oo. Muntik na ngang hindi eh.

Matt: Bakit?

Chris: Naubos na stock nila. Buti na lang binenta sa’kin yung display. Haha!

Matt: Ayos ah. Haha! Nasan ka na? Malapit na ako sa school.

Chris: Paalis pa lang ako galing flower shop. Kita na lang tayo sa school. Bye!

Matt: Sige, bye!

7th Setting: St. Miriam High School, 6:15 am

Dave: ‘Tol! Aga mo ngayon ah!

Chris: Siyempre. Haha!

Baron: Oh, ano ‘yang dala mo? Ayiieee... Para kay Kim noh?

Chris: Oo. Ayos ba?

Ken: Anong ayos? Ok na ok nga eh! Lagyan mo rin ng letter para sweet. Haha!

Matt: Nako, muntik pa nga iyang hindi makabili ng regalo eh!

Dave: Oh?! Bakit naman?

Chris: Nakalimutan ko kasi na Valentines Day ngayon. Haha! Buti na lang tinawagan ako ni Matt kaninang 5 am.

Baron: Ah, kaya pala medyo maaga ka ngayon kasi 5am ka nagising. Haha!

Ken: Grabe ka, pati ba naman Valentines Day kinalimutan! Hahaha! =))

Chris: Sorry naman.

Matt: Ay, advance happy birthday nga pala!

Chris: Thanks!

Dave: Oo nga noh?! Dalawang araw na lang pala birthday mo na, advance happy birthday! Haha!

Chris: Salamat!

Baron: Oh, bakit parang bigla kang nalungkot? Nagkataon na nga na walang pasok bukas, makakapagprepare ka sa birthday mo tapos ganyan pa itsura mo.

Chris: Ha? Kasi si Kim, baka hindi siya makapunta sa Sabado.

Ken: Oo nga pala. Teka, papasok na kaya siya ngayon?

Chris: Ay, tanga! Baka nga hindi pa siya pumasok!

Kim: Hi guys!

Nagulat ang lahat nang marinig nila ang boses ni Kim. Bumalik ang ningning sa mga mata ni Chris.

Others: Kim!!

Chris: Ay, joke. Andiyan na pala siya. Haha!

Dave: Ok ka na?

Kim: Yup.

Chris: Akala ko sabi ng doktor mo kailangan mong magpahinga.

Kim: Pinayagan na ako ni Dr. Manuel eh. Sabi niya mabilis daw recovery ko.

*bell rings*

Kim: Sige, mamaya na lang.

*lunch break*

Sa table ng mga lalaki…

Matt: ‘Tol, edi makakapunta na si Kim sa birthday mo?

Ken: Oo nga!

Chris: Sana.

Baron: Hay nako. Kung ako sayo, tanungin mo na siya.

Dave: Oo nga. Ayun sila oh!

Pumunta si Chris sa table ng mga girls…

Chris: Girls, what time kayo pupunta sa bahay namin on Saturday?

Trixie: Kung anong oras magsisimula.

Chelsea : Oo nga. What time ba start?

Chris: Mga 2pm.

Chelsea: Ah. Ano Trix, sabay sabay na tayo nina Baron at Matt?

Trixie: Sure! ‘Kaw Anne wat time ka pupunta?

Anne: Mga before 3pm siguro kasi dadaan pa kami ni mommy sa rancho namin, my horse back riding lesson kasi ako ng mga 1pm eh. Susunduin naman ako ni Ken. Ok lang Chris?

Chris: Oo, walang problema. Gab and Kim, kayo?

Gab: Hindi ko pa sure pero siguro around 2:30 andun na ko, sabay kasi kami ni Dave, eh may check-up pa raw siya, so aantayin ko siya sandali. Kasi kung hindi ko siya hihintayin, wala akong kasama. Siya lang kasi ang may malapit na bahay sa amin eh.

Chris: Ah, sige.

Chelsea : Ay teka guys! Gab, Trixie, Anne, kailangan pala nating pumunta ngayon sa library para sa report natin mamaya, ano tara na?

Gab: Sige tara!

Anne: Chris, Kim, iwan na muna namin kayo ha.

Kim: Uy, teka lang!

Trixie: Ayan kasi, ang bagal mo kumain. Haha! Later!

Chris: Ahmm, nga pala, anong sabi ng mommy mo?

Kim: Chris, pasensya na, palagay ko hindi ako makakapunta sa birthday mo.

Chris: Bakit?

Kim: May reunion kasi kami sa side ni mommy on Saturday. Hindi pwedeng hindi ako pumunta.

Chris: Mga anong oras ba ‘yun?

Kim: After lunch daw.

Chris: Ganon ba?

Kim: Pasensya na talaga Chris ha. Alam kong once in a year lang birthday mo, tapos hindi pa ako makakapunta. Sorry talaga. Tsaka hindi naman siguro ako malaking kawalan dun ‘di ba? Andun naman mga friends mo. I’m sure mag-eenjoy ka pa rin! (Wah! Kung alam mo lang, gustong-gusto ko pumunta.)

Chris: Oo. Pero mas masaya pa rin pag kumpleto tayo diba? (Besides, hindi mabubuo b-day ko pag wala ka.)

Kim: Try ko pa rin.

Chris: Promise ha?

Kim: Promise!

Chris: Sige. Balik na tayo sa room, malapit na magtime.

Sabay na bumalik ang dalawa sa classroom nila.

Dave: Ano daw ‘tol, sasama ba siya?

Chris: Mukhang hindi nga eh.

Boys: Oh?!

Ken: Bakit daw?

Chris: May reunion daw family nila. Hindi raw siya pwede mawala. Tae, paano na birthday ko?
Badtrip!

Matt: Ayos lang yan ‘tol! Malay mo magkaroon pa ng changes, diba?

Baron: Onga naman!

Dave: Oist, nandiyan na si tanda.

Class: Good morning Ms. Santiago (weh).

*bell rings*

Bago umuwi, nagstay muna ang barkada sa room.

Dave: ‘Tol ano pa bang hinihintay mo ha?

Chris: Sige na pupuntahan ko na siya.

Dave: Break-a-leg!

Chris: Haha! Lalo mo naman akong pinakaba eh.

Sinenyasan ni Dave si Gab na iwan si Kim para magkaron ng chance si Chris kay Kim.

Gab: Girls, pwede bang punta muna tayo sa canteen? Nagugutom na ako eh.

Kim: Sige, tara!

Gab: Oooops! Maiiwan ka dito. Haha!

Kim: At bakit?

Gab: May kakausap sa’yo.

Kim: Huh? Sino?

Gab: Secret =). Hintayin mo na lang.

Umalis na ang mga girls at naiwan si Kim. Lumapit si Chris at tinakpan niya ang mata ni Kim.

Kim: Dave?

Chris: (Haay, si Dave na naman.) Hulaan mo.

Kim: Ay. Joke lang, akala ko si Dave eh. Haha! Chris?

Chris: Yeah, it’s me.

Kim: Ikaw ba ung sinasabi ni Gab na kakausap sa’kin? Bakit? Tsaka ano ‘yang nasa likod mo?

Chris: Ahmm… Wala ‘to.

Kim: Anong wala? Dali na patingin. Ano ba kasi yan?

Chris: Wala nga. Makati lang likod ko.

Kim: Ang kulit mo. Ok, kung ayaw mong ipakita sa’kin ‘yan, baka pwede mo namang sabihin sa’kin kung bakit mo ‘ko gustong makausap?

Chris: May ibibigay sana ako sa’yo.

Kim: Ano?

Inilabas ni Chris ang bouquet of flowers from his back. Nagulat si Kim.

Kim: Wow! Para saan naman ‘yan?

Chris: Happy Valentines Day!

Kim: Awww… (blushing) Ha-happy valentines din!

Chris: A-a-aaa..

Kim: Nauutal ka?

Chris: Wala kasi akong masabi eh.

Kim: Haha! Para ka namang ewan. Anyway, thank you ah!

Chris: For what?

Kim: Malamang dito sa flowers. Infairness favorite ko ito ah.

Chris: Ah, haha! Sabi ko nga. No problem. Favorite mo pala ang Carnations?

Kim: Yup. Bakit mo nga pala ko binigyan niyan?

Chris: Kasi…

Kim: Kasi?

Chris: Because you’re special for me (sige lang Chris, malapit mo nang masabi).

Kim: Paanong special? (Omg, totoo ba ito??)

Chris: Ahhmm… Basta special (wala na, gumana na naman pagkatorpe mo).

Kim: (Ay. Akala ko naman kung ano.) Ah. Sige, salamat ulit! You made my Valentines Day memorable.

Chris: Siyempre, malakas ka sa’kin eh. Sabay-sabay na pala tayo lumabas nina Dave.

Kim: Sure! Lagi naman kaming sabay ni Dave lumabas eh. Pati na rin si Gab.

Chris: Ah, sige. (Pati ba naman paglabas si Dave pa rin bukambibig mo?)

Habang naghihintay ng sundo...

Dave: Kim! Ano, ok ka na ba talaga?

Kim: Yup!

Dave: That’s good to hear.

Gab: Paano ka na sa Sabado?

Kim: Hindi ko pa nga sure eh. Pero try ko talaga sumama para kay Chris.

Chris: Yes! Salamat ah!

Kim: Sure thing! Ayan na pala si kuya Jun. Sige, una na ko.

Chris: Sige, see you!

Kim: I’ll try! =) Bye!

Others: Bye!

Dave: Ano ‘tol, nasabi mo ba?

Chris: Hindi nga eh.

Gab: Haay nako, you’re so lame talaga. Haha! Joke!

Dave: ‘Tol, kailan mo balak magtapat sa kanya?

Chris: Sa birthday ko sana eh. Kaya nga kailangan nandoon siya.

Gab: I’ll help! Gagawa ako ng paraan para makasama siya. =)

Chris: Salamat ah.

Dave: Gab, alis na tayo. Ayan na rin pala sundo natin.

Gab: Bye Chris!

Chris: Sige, bye! Parating na rin siguro sundo ko. Sa Sabado ah!

Dave: Oo naman ‘tol! Sige na, bye!

Habang nasa BMW si Kim…

Kim: (Uy, may letter pala dito.) *reads the letter silently*

Hey Kim! I hope you liked the flowers. Sana rin napasaya ko araw mo. I just want you to know na you’re special and that I’m always here for you. Anuman problema mo, nandito lang ako sa likod mo or minsan sa harap. Haha! Joke! Basta, I’m sure you get my point. Sige, ‘till here na lang. Happy Valentines Day! – Chris

Kim: Aww.. Ang sweet naman.

Kuya Jun: Ms. Kimberly, ang ganda naman niyan. Galing sa manliligaw niyo?

Kim: Hindi ah. Si Kuya Jun talaga oh. Haha! Bigay ng friend ko. Si Chris, yung malapit satin.

Kuya Jun: Ah. Siguro may gusto iyon sa inyo. Ayiieee. Si Ms. Kim, dalaga na talaga.

Kim: Nye. Wala ‘yun. Friends lang kami.

Kuya Jun: Nako Ms. Kim, hindi basta basta nagbibigay ng bulaklak ang isang lalaki sa babae kung “friends” lang. I’m berry sure na may gusto iyon sa’yo.

Kim: (Sana lang tama ka, Kuya Jun.) Hehe. Kayo talaga! =) (How I wish it’s true!)

^to be continued...:D^

Monday, February 11, 2008

A LITTLE OF REALITY - Chapter Three

HIS PRECIOUS WORDS

Kim: (Shucks! Bitin! Kainis! Hmp!)

Ken: Ano? Enjoy ba?

Trixie: Oh. Bakit ganyan itsura niyo?

Chris: Wala.

Nauna nang lumabas si Chris ng kwarto dahil tinawag na siya ng mga kabarkada niya. Samantala, naiwan naman si Kim sa loob. Gulung-gulo ang isip hanggang sa lapitan siya ni Dave.

Dave: Ano nangyari? Ok ka lang?

Kim: Nakakainis! Dinescribe kasi ni Chris yung physical appearance nung girl, halos lahat nagmatch sakin. Tapos, sasabihin n asana niya kung sino kaso…

Dave: Kaso ano?

Kim: Binuksan na ni Gab yung pinto! Wah! Bitin na bitin ako! Haiz.

Dave: Haha! Ok lang yan. Sa tingin ko naman ikaw yung babaeng gusto niya.

Baron: Guys, punta naman tayo sa bahay nina Chris.

Anne: Oo nga. Hindi pa ‘ko nakakapunta sa inyo eh.

Chris: Sige. Girls, ok lang ba sa inyong lakarin natin?

Kim: Oo naman. Malapit lang yun eh.

Matt: Good! Let’s go!

Pumunta na ang buong barkada sa bahay nina Chris. Pagdating doon ay naghapunan na sila. Bonding to the max ang nangyari sa gabing iyon hanggang sa magkayayaang umuwi.

Trixie: Chris, uwi na kami. Gabi na eh. Thanks ha!

Others: Bye!

Palabas na sana ng pintuan si Kim ng biglang…

Chris: Kim! Hatid na kita.

Kim: ‘Wag na. Kaya kong mag-isa.

Matt: Ayiee. Kim, ano ka ba. Magpahatid ka na.

Chris: Oo nga at kahit na kaya mo, babae ka pa rin. Delikado para sa isang babae ang maglakad sa kalsada ng ganitong oras. Gabing-gabi na kaya!

Dave: Tama si Chris. ‘Tol, ikaw na bahala diyan ah. Ingatan mo ‘yan! *smiles* Sige, alis na kami.

Sumunod na si Dave sa iba niyang kabarkada ngunit bago pa man siya makalayo sa may pintuan…

Kim: Dave! *approaches Dave*

Hinawakan ni Kim si Dave at binulungan. Nainggit si Chris nang makita niya ang pangyayaring ito.

Kim: Shucks! Iiwan mo talaga ko? Sabay na ko sa inyo ni Gab.

Dave: Ano ka ba? Pagkakataon mo na ‘to noh! ‘Wag ka nang pakipot. Haha!

Kim: Eh. Pa –

Dave: Bye! Haha! Chris, ayusin mo ah! Hahaha!

Chris: Oh, ano? Halika na!

Kim: Promise, ok lang ako. Malapit lang naman bahay namin dito eh.

Chris: Ayun nga, malapit lang naman kaya ihahatid na kita.

Kim: ‘Wag ka nang mapilit. Hayaan mo na ko mag-isa. Kaya –

Biglang hinila ni Chris si Kim palabas ng bahay.

Kim: Kainis ka naman. Kailangan ba talaga akong hilahin para lang mahatid mo?

Chris: Lahat gagawin ko para masigurong safe ka. =)

Kim: Wooh! Concerned ka pala sakin ah! (Gosh! Ang sweet naman niya! Nakakapanibago)

Chris: Siyempre! Friend kita eh.

Kim: Fine. (Ouch! Friend lang??)

Pagkalabas nila ng gate…

Chris: Oh. Bakit bigla kang nanahimik diyan?

Kim: Ha? Wala. Siguraduhin mong makakauwi kang mag-isa ha.

Chris: Oo naman. Ako pa!

Habang nasa daan sila…

Kim: *ginulat si Chris* Hoy! Bakit ikaw naman ang nanahimik ngayon?

Chris: Ah.. Eh wala naman akong dapat sabihin eh.

Kim: Ahh. So, kamusta naman yung girl? Sino ba kasi siya?

Chris: Sinong girl?

Kim: Yung girl na love mo. Yung dinescribe mo pa sakin kanina. Bitin kasi eh!

Chris: Ahh, yun. Hindi ko na pwedeng ikwento sayo kasi tapos na yung dare. Hahaha!

Kim: Ang daya mo talaga!

Chris: Bakit? Madaya ka rin naman ah! Hindi mo rin sinasabi sakin yung guy na mahal mo.

Kim: Well, parehas lang tayo. So it means, quits tayo! Hahahaha! …Aaahh! –

*thud!!*

Natigilan si Chris at tumingin kay Kim. Nagtaka siya kung bakit sumigaw ang kanyang kasama. Pagtingin niya kay Kim, nakahandusay na ang babae sa sahig.

Chris: Kim! Ano nangyari?! Ok ka lang?! Nasaktan ka ba?! Gusto mo buhatin na kita?! Ano gagawin ko?!

Kim: A-a-ah! ( Ang saaaakiiiit!!)

Chris: Hoy! Magsalita ka naman! Kim!!

Kim: G-grabe ka naman. N-na-napatid lang ako. OA ka masyado. I’m ok. (Kahit hindi!!) Galos lang naman… yata!

Chris: *deep breath* O ano, kaya mo bang tumayo?

Kim: *tries to stand up* Hmm =(………… napilayan yata ako.

Chris: Hay nako! Tulungan na nga kita. Dali, kapit ka sakin.

Inakay ni Chris si Kim papunta sa bahay nila.

Chris: Galos nga lang, nagkasprain naman.

Kim: ‘Wag mo na nga akong asarin! Nadapa na nga yung tao eh! Ang sakit kaya!

Chris: Biro lang. Lalampa-lampa ka kasi. Hahaha! =D Sa susunod, magdala ka lagi ng blue cookie.

Kim: Huh? Anong blue cookie?

Chris: Blue cookie. Parang coin lang siya na kulay blue. Sabi kasi ng dad ko, lucky charm daw yun tsaka iwas disgrasya. Bagay sayo! Hahaha! Joke lang!

Kim: Saan naman makakakuha nun?

Chris: Sa Hong Kong!

Kim: Nye. Papupuntahin mo pa ‘ko doon!

Chris: Hindi. Marami ako sa bahay. Bigyan na lang kita.

Kim: Ok… Ouch! Huhu. Ang sakit talaga. Hindi ko na yata kaya.

Chris: Tiisin mo na lang, malapit na tayo oh. Natatanaw ko na bahay niyo.

Kim: Haay. Kung minamalas ka nga naman.

Chris: Hindi malas yan. Lampa ka lang talaga! Oh, oh, oh! Joke lang!

Kim: Nako! Tigilan mo na nga ako.

Chris: Pinapatawa lang kita. ‘Kaw naman.

Kim: Yey! We’re here! Finally!

Chris: Hatid na kita sa loob.

Kim: Siyempre! Ano gusto mo? Gagapang ako papunta sa loob. Ang layo kaya ng gate sa main door!

Chris: Sabi ko nga =). Sorry naman!

Pagdating nila sa pintuan.

Kim: Sige, ok na ‘ko. Papatulong na lang ako kay yaya.

Chris: Sure ka ah?

Kim: Yes, sir! =D

Chris: Sige, bye!

Kim: Bye!

Nang makarating na si Chris sa may gate.

Kim: Chris!

Paglingon ni Chris…

Kim: Ahmm… I-ingat!

Chris: Mas kailangan mo ang ingat! Hahaha!

Habang pauwi na si Chris…

Chris: Hmm.. What a night! Ang daming nangyari ah! Pero badtrip, hindi pa rin yata nadagdagan pogi points ko! (Hay Chris, bakti kasi ang torpe mo, hindi mo pa kasi aminin eh!)

Nang dumating na siya sa bahay nila, saktong tumawag si Matt.

*on the phone*

Matt: Ano, kamusta paghahatid mo kay Kim?

Chris: Ayun, nahatid ko naman pero unfortunately, nagkasprain siya.

Matt: Pa’no naman nangyari yun?

Chris: Hindi kasi siya tumitingin sa dinadaan niya eh, ayun tuloy, natalisod at napahandusay sa sahig.

Matt: Ano ginawa mo?

Chris: Siyempre inakay ko pauwi!

Matt: Naks naman! Edi nakascore ka na sa kanya!

Chris: Ewan. Basta! Haha!

Matt: Oh sige, ligo na ko. Kita-kits na lang bukas!

Chris: Geh, bye!

4th Setting: St. Miriam High School, Feb. 13 Wednesday

Kinabukasan…

*the bell rings*

Anne: Guys, good news, wala daw si Ms. Floro ngayon!

Trixie: Pa’no mo nalaman?

Anne: Sabi ni Ms. Reyes sa akin kanina, nakasalubong ko.

Chelsea : Wow, edi maganda.

Biglang dumating si Gabby.

Gab: Hey girls!

Trixie: Hey! Late ka na naman?!

Gab: Actually, no. It’s not yet 7:01! Hahaha!

Anne: Nako. Haha!

Chelsea: Teka lang Gab, asan si Kim?

Gab: Nagtext kasi siya sa akin kagabi, aabsent daw siya ngayon.

Anne: Bakit daw?

Gab: Hindi ko alam eh, hindi na kasi siya nagreply nung tinanong ko. Nakatulog na yata.

Nagkataon naman na si Dave ay napadaan sa kanila, kaya tinawag si ni Gab. Samantala, si Chris naman ay nakikinig sa ‘di kalayuan kasama ang barkada niya.

Gab: Dave, nasabi ba sa’yo ni Kim na absent daw siya ngayon?

Dave: Oo. Tumawag siya sa’kin kagabi.

Trixie: Anu daw meron?

Dave: Hindi daw siya makalakad.

Chelsea: Huh? Bakit? Anu nangyari?

Dave: Nagkasprain daw siya kagabi. Natalisod siya habang hinatid siya ni Chris pauwi sa kanila.

Gab: Really? Kailan daw siya papasok?

Dave: Hindi ko pa alam eh.

*cellphone beeps*

1 new message received
from Kim

Gab, psbi n ln s teachers ntin n may skt ako kung may mgtnong mn. Pti n rn kina Dave, Chelsea, Anne and Trix, pro wg n kaung mg-alala, mejo nkktyo na ko. Hehe. Tnx! =)

*Gab read Kim’s message loudly, thus Chris heard it.*

Chris: (Bakit ganun, hindi niya ako sinama sa text message niya? Hindi lang naman sina Chelsea ,

Anne, Trixie, Gab at lalong lalo na si DAVE ang nag-aalala sa kanya… Ako rin naman ah!)

Matt: Hoy! Nakatulala ka diyan?

Chris: Ha?! Wala may naisip lang ako.

Matt: Ano naman ‘yun?

Chris: Wala, wala. Nevermind.

Baron: Sus. Malamang si Kim nanaman yang nasa isip mo ngayon!

Ken: ‘Tol aminin mo na kasi sa’min matagal ka na naming kilala kaya kabisado ka na namin!

Chris: Oo na, hindi kayo nagkakamali. Siya nga iniisip ko.

Biglang lumapit si Dave sa grupo ng mga boys.

Dave: Hoy guys!

Matt: Hello! Ano kumusta na raw si Kim?

Dave: Ayun hindi makakapasok dahil sa sprain niya.

Matt: Oh.Pakisabi na lang kapag nag-usap kayo, na nangungumusta kami, lalo na ‘tong si Chr..

Chris: ‘Tol ‘wag na.

At biglang umalis si Chris..bago pa man makapagsalita si Dave.

Dave: Anong nangyari dun?

Baron: Masyado kasing nag-aalala kay Kim.

Dave: Nagpasabi naman si Kim na huwag nang mag-alala ah.

Matt: Alam mo palagay ko, nagseselos ‘yun sa’yo.

Dave: Sa akin? Bakit naman?

Matt: Eh kasi nagkaganun 'yun nung binasa ni Gab yung text ni Kim, eh narinig niya na ikaw lang yung lalaki na sinama ni Kim sa text message niya.

Dave: Ah, yun ba? Baka naman kasi sa palagay ni Kim alam na ni Chris yung lagay niya kasi magkasama lang naman sila kagabi eh. Tsaka bestfriends kami nun, natural lang ‘yun.

Ken: Pwedeng ‘yun nga, pero alam mo naman ‘yun, may pagkamatampuhin.

Dave: Teka nga, saan kaya ‘yun pumunta?

Baron: Aba, malay namin. Hahaha!

Ken: Baka nagmamaktol na dun! Haha!

Dave: Tama na nga iyan.

Matt: Pabayaan niyo na ‘yun. Lilipas din ‘yung tampo niya, mamaya mag-iingay na rin ‘yun.

After a couple of minutes, bumalik na sa room si Chris. Wala pa rin silang teacher.

Dave: ‘Tol okay ka lang?

Chris: Oo. ‘Sensya na kanina.

Dave: ‘Tol naman, wala kang dapat ipagselos sa’kin. Bestfriends kami ni Kim, natural lang ‘yun.

Chris: Tama ka, sinabi na rin sa’kin ni Kim ‘yan dati eh. Nagtataka lang ako, bakit hindi niya ko sinabihan.

Ken: ‘Tol naman! Gamitin mo common sense mo! Siyempre alam mo na ‘yung nangyari sa kanya.

Chris: Singit ka talaga! Sabagay, tama ka naman. Haaay.

Matt: Hoy! Andiyan na si Mrs. Siat.

Baron: Tae! Dumating pa ‘yung bakulaw!

Others: Sshh!

Dave: Marinig ka niyan. Sige ka! Hahaha!

Natapos na ang araw ngunit hindi pa rin mapalagay si Chris. Pagdating niya sa bahay nila.

5th setting: Chris’ Room, 5:30pm

Chris: *hawak ang phone* Ano bang gagawin ko, tatawagan ko ba siya o hindi? Kung tatawagan ko siya ano namang sasabihin ko? Hay!

At hindi pa rin siya nakapagpigil. After ten years ng pagdedecide, tinawagan na niya si Kim.

Chris: Hello, Kim!

Kim: Oh, Chris, bakit ka naman napatawag?

Chris: Wala lang. Hehe. Musta ka na?

Kim: ‘Wag ka mag-alala medyo okay na ko. Natatapak ko na ‘yung paa ko. Haha!

Chris: Ah, buti naman, pinag-alala mo ako ah.

Kim: Ha?

Chris:Wala, sabi ko ang ganda mo. Hahaha!

Kim: Matagal ko nang alam iyon! Hahaha!

Chris: Hehe. Ano ginagawa mo ngayon?

Kim: Eto, nakakulong sa kwarto, nanonood ng t.v.

Chris: Haha, parehas lang pala tayo.

Kim: By the way, may assignments ba tayo?

Chris: Wala naman, marami-raming teachers kasi ang wala kanina, may deliberation kasi ibang year level kaya halos wala ring klase kanina.

Kim: Haha, ang swerte ko naman! Wala ako masyadong mamimiss na lesson.

Chris: Hehe.. Right!

Kim: Nga pala, hindi ko sure kung makakapunta pa ako sa birthday mo. Sabi kasi ng doctor, kailangan ko daw magpahinga. Sorry talaga, gusto ko man pumunta, hindi talaga pwede.

Chris: Ahh. Ganoon ba? (Ikaw pa mawawala sa birthday ko!) Ok lang (kahit hindi!), basta ang mahalaga magpagaling ka na.

Kim: Sure! Pero try ko pa rin. Don’t wanna miss your birthday eh! Haha!

Chris: Sige, ingat. Bye!

Kim: Bye!

*hangs up*

Chris: Tae! Ano na kaya mangyayari sa birthday ko kapag wala si Kim?! Aaarggh!

^to be continued...:D^

Thursday, January 31, 2008

A LITTLE OF REALITY - Chapter Two

THE LUCKY SPIN

Chris: Sige na nga.

Nilapitan ni Chris si Kim. Nakita ni Kim na papalapit sa kanya ang kanyang Prince Charming…

Kim: (Oh gosh! Isasayaw kaya niya ‘ko?? Parang imposible yata.)

Chris: Ahhmm… Kim.

Kim: (Shucks!) ..Yes?

Chris: Can I have this last dance with you? (Sa wakas! Nasabi ko rin!)

Kim: (Did he just said that?!) …Ahh, s-su-sure!!

Chris: So, let’s go?

Dinala ni Chris si Kim sa dance floor at sa gabing yoon, para silang mga bida ng isang fairytale.

2nd Setting: St. Miriam High School, Feb. 12 Tuesday

Habang kumakain ang barkada ni Chris sa canteen, pinag-uusapan na nila ang nalalapit niyang birthday.

Matt: Chris, sa Sabado na pala ang birthday mo. Anong balak mo?

Chris: Magpapa-party ako sa bahay namin. Wala kasi sina Dad on Saturday, may seminar sila sa Europe.

Dave: Wow! Solong-solo natin ang bahay. Masaya yun!

Baron: Sinu-sino ba ang mga invited?

Chris: Gusto ko sana, one group of boys and another group of girls. Since yung mga girlfriend
niyo, magkakabarkada naman, sila yung iimbitahin ko.

Dave: So kasama sina Gab?

Chris: Malamang, magkakabarkada sila diba??

Dave: Sus, if I know, si Kim lang gusto mo doon. Haha!

Chris: Hindi ah! Anyway, ikaw na lang mag-invite sa kanila total, close mo naman yung mga yun.

Dave: Bakit hindi ikaw? Ako ba may birthday?!

Matt: ‘Tol naman oh! Pakipot ka pa. Hahaha!

Chris: Oh sige na nga. Pinipilit niyo ko eh!

Ken: Pinipilit daw. Eh gusto mo naman talaga!

Chris: Hindi kaya! Ano gusto niyo, hindi na imbitahan yung mga girlfriend niyo?

Matt: Hindi! Hindi! Mabobore ako kapag hindi ko kasama si Trixie.

Chris: Ayun naman pala eh. Ano, lalapitan ko na ba?

Dave: Sige ‘tol!

Lumapit si Chris sa table ng mga girls.

Chris: Ahh, girls. Pwede ba kayong pumunta sa birthday ko?

Trixie: Malapit na nga pala birthday mo noh? Saan ba?

Chris: Sa bahay namin. Wala kasi parents ko sa Saturday. Makakapunta ba kau?

Anne: Saan ba bahay niyo? Kasama ba si Ken?

Chris: Kasama siya. Sumabay ka na lang sa kanya.

Anne: Ok!

Chelsea: Eh ‘pano naman kami? Hindi namin alam yung papunta sa inyo.

Chris: Pupunta rin naman si Baron eh, magpasundo ka na lang sa kanya.

Chelsea: All right! Gab and Kim, pupunta ba kayo?

Gab: Oo, sasabay na lang siguro ako kay Dave.

Kim: Sorry Chris, hindi pa ko sure kung may lakad kami nina mommy eh.

Chris: Ah, ganoon ba? Try mo ha!

Biglang lumapit si Baron…

Baron: Kim, what he means is… Mmm! Mmm! *tinakpan ni Chris ang bibig ni Baron*

Ken: Hindi kumpleto birthday niya kapag wala ka!

Namula si Chris at pati na rin si Kim.

Chris: Ha? Ahh.. W-wag kang maniniwala sa mga ‘to. They’re just kidding.

Dave: Hay nako Chris. Pakipot ka pa. Why don’t you tell the truth? Haha!

Chris: What are you talking about? *sabay tingin ng masama sa mga kabarkada, senyas na ayaw niyang magpalaglag*

Gab: Naku. Wala kayong mapapala diyan kay Chris. Why don’t we just go back to our classroom,
anyway, it’s almost time.

Matt: Mabuti pa nga.

When they reached their classroom, nag-usap ang barkada nina Chris.

Chris: ‘Tol naman! Bakit mo sinabi yun?!

Ken: Totoo naman eh!

Matt: ‘Wag ka na kasi magpakatorpe.

Dave: Malay mo may gusto rin siya sayo. =)

Chris: Paano naman mangyayari ‘yun? Eh palagay ko, may gusto siyang iba.

Dave: Eh sino naman kaya?

Chris: Hindi ako sigurado kung sino pero malamang taga rito sa school.

Dave: Hindi ka naman pala sigurado eh. (Hindi mo lang alam, ikaw yun! =D )

Matt: Bakit kaya hindi mo siya subukang ligawan, total wala pa naman siyang boyfriend eh.

Ken: Oo nga, wala namang masama kung mabusted ka eh.

Chris: Eh kasi…

Dave: Hay naku..Wala nang kasi kasi.. Maraming pwedeng mangyari pagkatapos ng ilang araw, kaya kung ako sa’yo DO THE FIRST MOVE habang maaga pa!

Chris: Sa totoo lang tama nga kayo pero..

Ken: Ano?! Natotorpe ka?

Chris: Actually, masakit mang aminin, tama kayo. Natotorpe nga ako!

Ken: Hoy! Wala sa ugali ng tropa natin ang torpe ha? Tsaka you did have a few girlfriends at wala pa ni isang babaeng nambusted sa’yo, anong ikinatatakot mo?

Chris: Oo, tama ka nanaman, pero sa palagay ko kasi IBA siya sa mga girls na nakilala ko.

Matt: Tama na nga ‘yan. Andyan na teacher natin.

Then the day just seemed to be normal. Wala namang nangyaring kakaiba, except nga lang dun sa nangyari nung lunch break nila. Hanggang sa nag-ring na ang bell…

Matt: Guys, uuwi na kayo?

Baron: Oo sana, bakit?

Matt: Gala naman tayo.

Ken: Saan?

Matt: Kayo, saan niyo ba gusto?

Ken: Kahit saan! Basta makagala! Haha!

Dave: Doon kaya sa bahay nila Chris?

Baron: Oo nga! Ano Chris, payag ka ba?

Ken: Chris?!

Chris: Ah.. Eh.. Ano yun?

Matt: Parang kanina ka pa nakatulala diyan ha?! May problema ba?

Chris: Hindi, wala! May iniisip lang ako.

Dave: Ano? Si Kim na naman? J

Chris: Ha? Oo eh.

Matt: Ano ka ba ‘tol! Gumawa ka na kasi ng paraan para mapalapit siya sa’yo.

Chris: Anong paraan? At paano?

Ken: Diskarte mo na ‘yan!

Baron: Teka nga, pwede ba kaming pumunta sa bahay niyo ngayon?

Matt: Oo nga.

Chris: No problem! Parating na rin yung driver namin. Abangan na natin sa labas.

Dave: Tara na!

Dumating na ang sundo nila at habang nakasakay sa Trooper…

Matt: Tatawagan ko muna saglit si Trixie kasi kanina hindi pa kasi siya nag-tetext sa akin eh.

Nang matawagan na niya si Trixie…

Matt: Hello Trix! …. Nandito ako kina Chris, kaw? …. Ganun ba? ….. Sige, punta kami diyan mamaya…. Bye! … Ily!

Ken: Anong sabi?

Matt: Nandun daw sila ngayon sa bahay nina Kim.

Baron: Eh diba Chris malapit lang sa inyo yung bahay nina Kim?

Chris: Oo, pinapapunta ba tayo?

Matt: Oo.

Baron: May dota kaya doon?

Matt: Tanga! Babae nagdodota?

Dave: Teka nga, kayong dalawa kung anu-anong pinagsasasabi niyo diyan! Imbis na ‘yan ang iniisip niyo, isipin niyo na lang kung paano natin matutulungan si Chris to do the first move!

Chris: Ewan ko sa inyo!

Baron: Ikaw ang ewan, pagkakataon mo na kaya ‘yun!

Ken: Onga ‘tol! ‘Wag ka nang magpakatorpe. It’s now, or never!

Chris: All right, I’ll try kung makakaya ko!

Nang matapos na nila ang kanilang pag-uusap, napagdesisyunan na nilang dumeretso sa bahay nina Kim. At habang nasa daan ang mga lalaki, may pinag-uusapan din ang mga babae.

3rd Setting: Mount Groove Ville, The Gonzales Mansion, 5pm

Trixie: Guys, palagay ko papunta na sila dito! Teka nga Kim, parang may malalim ka nanamang iniisip diyan ahh..

Kim: Ano kaya yung ibig sabihin ni Ken kanina?

Gab: Alin dun? Yung sinabi niya na hindi kumpleto yung birthday ni Chris kapag wala ka?

Kim: Yes! Ano kayang ibig sabihin nun?

Chelsea: Baka, biro lang.

Kim: Eh, ano kayang purpose kung bakit sinabi ni Ken yun?

Trixie: We don’t know. Actually,parang he’s just joking lang naman eh.

Kim: Siguro nga! And I think wala naman akong pag-asa sa kanya. (Hay..parati nalang kasi akong nangangarap)

Gab: Don’t mind that na.

Kim: Hindi kasi maalis sa isip ko eh.

Anne: Ano ka ba, joke niya lang yun!

Kim: Eh kasi naman….

Chelsea: Hay naku Kim, tama na nga ‘yan.

*knock..knock..knock..knock!*

Trixie: Palagay ko, sila na ‘yan.

Kim: Sige, ako nalang magbubukas ng pinto.

Sa labas ng pinto, dahil sa pagkainip, sumandal si Chris sa pinto nang biglang…

*Kim opens the door and accidentally, Chris falls down on her giving her a “hug”*

Kim: *Gasp!*

Chris: *Nashock pero kinilig* I’m so sorry! Sorry! Ok ka lang? Nasaktan ka ba?

Kim: Hindi ayos lang ako, don’t worry. Ikaw?

Chris: I’m perfectly fine! Ikaw ang inaalala ko.

Matt: I’m sorry to cut you off pero pwede bang pumasok na tayo?

Kim: (Grabe! I can’t believe he just said na inaalala niya ko! =) )Oh sure!

Dave: Hey Kim! Asan sila?

Kim: Nandun sila sa Lounge.

In the Lounge, they greeted one another then…

Anne: Guys wait, total andito naman ang buong tropa niyo at tropa namin, why don’t we have a game?

Chelsea: What game?

Baron: Truth or dare!

Ken: Oo nga! Agree ba kayo girls?

Trixie: Sure.

Nagstart na ang masayang laro ng truth or dare. Nangyari na rin ang pinakahihintay ng lahat, tumapat ang bote kay Chris…

Matt: Wooh! Chris, truth or dare?

Others: Dare! Dare!

Chris: Sige na nga, dare.

Gab: I’ll give the dare!

Dave: *binulungan si Gab* Galingan mo ah!

Gab: Hmm.. Sinong nakakaalam ng seven minutes in heaven?

Kim: Me!

Gab: Please explain to Chris how it works. =)

Kim: Matatrap ka sa isang lugar kasama ang isang girl for seven minutes. Tapos, you can do anything you want. After seven minutes, you become free. That’s it!

Chris: Ahh.. Ganun pala yun.

Ken: Kaya nga tinawag na seven minutes in heaven eh. Hahaha!

Chelsea: Eh sino yung girl?

Kim: Kailangan paikutin yung bote para malaman natin kung sino.

Pinaikot na ni Chris ang bote…

Chris: *sa isip* Sana si Kim! Sana si Kim!

Sa kasamaang palad, tumapat ang bote kay Matt =) kaya inulit ni Chris ang pag-ikot.

Chris: *sa isip* Kim! Kim! Kim! Please!

Sa wakas, tumigil na ang bote! Tumapat ito kay…

Trixie: Si Kim! Hahahahaha!

Kim: (Oh my! Ako ba talaga tinapatan ng bote?!) Haaah… Andaya naman, bakit ako? Wah!


Dave: Oops! Bawal umangal! Hahaha!

Ken: Oo nga!

Gab: Game! Saan natin sila ikukulong?

Anne: Sa guest room niyo na lang Kim. Yun ang pinakamalapit na kwarto ditto eh.

Chris: Teka lang, ‘wag niyo namang pilitin si Kim. (Yes! Eto na yata pagkakataon ko.)

Chelsea: Sorry, rules are rules. =)

Matt: Oh ano, magtititigan na lang ba tayo dito?

Ken: Ihatid na natin sila. Kailangang masiguro natin na makukulong sila sa loob.

Kim: Huh? Pero –

Gab: Wala ng pero pero. Lakad na! Haha!

Chris: Kim, let’s go. We have no choice, anyway.

Iniwan na nilang mag-isa sina Kim at Chris sa loob ng guestroom at naghintay sa labas ng pinto.

Trixie: Time starts, now!

*a moment of silence then…*

Chris: Ahmm.. Sorry ulit kanina ah. Hindi ko sinasadya.

Kim: Ok lang yun. Don’t think about it.

One minute of complete silence have passed until…

Chris and Kim: Ahh –

Chris and Kim: Sige, ikaw na –

Chris: Ladies first.

Kim: Tinext ko na nga pala yung mommy ko kaso hindi pa siya nagrereply. Busy ata.

Chris: Ahh.. Ganun ba? Balitaan mo na lang ako kapag pumayag na ha.

Kim: Sure! Ahm.. Anu nga pala yung sasabihin mo?

Chris: May tatanungin sana ako sayo kaya lang nakakahiya kaya, ‘wag na lang.

Kim: Hindi, ok lang yun.

Chris: Naku. Nakalimutan ko na eh. Hehehe.

Kim: Anu ba yan. Alalahanin mo naman. Please. =)

Chris: Tsk. Sige na nga. Badtrip, kahit ano gawin ko malakas ka talaga sakin!

Kim: *smiles*

Chris: Ah.. Eh.. Kasi... Is someone courting you?

Kim: (Bakit niya kaya tinatanong yun? Liligawan niya kaya ako? Asa naman.) Ha? Wala. Bakit?

Chris: Wala lang, curious lang ako. Ang ganda mo kasi, mabait, matalino, lahat na nasa’yo. Nagtataka lang ako kung bakit hindi ka nililigawan.

Kim: (Did he just said I’m pretty?) Ahh. Hindi ko rin alam. Siguro natatakot sila at alam nilang my heart belongs to someone na.

Chris: Sino? …Si Dave ba?

Kim: Huh? Ano ka ba?! Bestfriend ko siya.

Chris: Bakit, hindi ba pwedeng mahalin ang bestfriend?

Kim: Basta. Hindi siya.

Chris: Ahh. Eh, sino? (Sana ako na lang. Pero it’s impossible na mahalin niya ko.)

Kim: Secret! Hahaha! (Kung pwede ko lang sabihin sayo na ikaw yun!)

Chris: Ang daya mo naman. Hehe.

*may narinig silang boses galing sa labas*

Dave: 4 minutes na lang!

Anne: Mag-enjoy na kayo habang may pagkakataon! Hahaha!

Others: Hahahahaha!

Matt: Oo nga!

Kim: Loko-loko talaga yung mga ‘to! Haha!

Chris: Hoy! Do not disturb! =) *sigaw*

Kim: Haha!

Chris: Huwag mo na nga silang pansinin. Asan na nga pala tayo?

Kim: Dun sa pagiging madaya ko. Haha!

Chris: Ayun! Sabihin mo na sa akin. Please! *with matching paawa effect*

Kim: Ay, teka! Sino ba kasi yung love mong girl. =) *iniba ang topic*

Dahil sa tanong na ‘yon, nawala sa isip ni Chris yung previous topic.

Chris: Hala! Ang hirap naman nun! Pwede bang i-describe ko na lang?

Kim: Eh diba nadescribe mo na siya sakin nung prom?

Chris: Hindi… I mean…

Kim: Ano? Yung physical appearance na lang?

Chris: Ha? Oo. Oo.

Kim: Game!

May kinakalikot si Kim habang sinasabi ni Chris ang mga description nung girl.

Chris: Mga kasing height ko siya, laging nakangiti –

Kim: Palaging nakangiti? Hindi naman kaya mabaliw na yun? Hahaha! (Baliw naman talaga ako eh! Bwahahahaha!)

Nagrereact si Kim sa bawat description na feeling niya, match sa kanya.

Chris: Hindi naman siguro. Hahaha! Anyway, makulit din siya.

Kim: Makulit? Akala ko ba physical?

Chris: Hayaan mo na. Haha! =)

Kim: Fine! =)

Chris: Tapos, maputi rin siya. Wavy ang hair tsaka mahaba. Napaka-expressive ng eyes niya. Parang kahit hindi na siya magsalita, malalaman mo yung nararamdaman niya dahil sa mga mata niya.

Kim: Wow! Ang drama mo naman! Hahaha! I wonder who that girl is?

Chris: Hanggang pagwowonder ka na lang! Haha! Joke lang! Peace tayo! =)

Kim: Whatever! Hehehe.

Chris: Buti nagagawa mo pang makinig sakin at kalikutin yang bagay na yan, kung ano man yan, at the same time.

Kim: Siyempre naman! Multi-tasking ‘toh noh! Hahaha!

Chris: Sige na, ikaw na magaling. =) Anyway, in short, maganda siya… Parang si…
















Gab: Time na! *sabay bukas ng pinto*

^to be continued.. :D^

Monday, January 28, 2008

A LITTLE OF REALITY - Introduction

Will you continue wishing he was yours...

.

or give up the love you kept for a long long time?

.

.

.

.

.

.

What if the one you truly love, who you believe is destined for you...

.

.

.

.

LEAVES??...

.

.
.
.
.
.
Will fate lead your hearts together again...
.
.
.
.
.
.
OR
.
.
.
.
.
.
...will fate give you another man to love?
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Will you continue to love someone even though you know...
.
.
.
.
.
it's NOT right?

Friday, January 25, 2008

A LITTLE OF REALITY - Chapter One


THE BLIND CONFESSION



1st Setting: Sofitel, Feb. 8, 6pm. JS Promenade ’07-‘08


6:30 pm. The ball has already started. In the car… Kabadong- kabado si Kim dahil late na siya.

Kim: Kuya Jun , pakibilisan naman po. Late na ko. Wah!

Kuya Jun: Malapit na po tayo, Ms. Kimberly.

Antonette: Anak ayaw mo nun? Grand entrance ka! Hahaha!

Kim: Ma naman eh.. Kaya nga po ako natataranta, dahil dun eh!

Antonette: Ok. ‘Wag ka na mag-alala. We’re here!

Kim: Yes! Thanks Kuya Jun! Bye ma! Alis na ko! Love you!

Antonette: Bye anak! Mag-ingat ka ha. Enjoy! Love you too!

Before pumasok si Kim sa Ballroom…

Kim: Oh my gosh! Oh my gosh! Ano gagawin ko? Baka magtinginan silang lahat sakin! Gosh talaga!

Finally, nagkaroon ng lakas ng loob si Kim na buksan ang glamorosong pinto. At pagkasarang-pagkasara niya ng pinto…

Emcee: Oh, look! There’s Ms. Kimberly Gonzales!

*tinginan lahat ng tao*

Kim: (Oh shit! Anu gagawin ko??) … Uhmm, hi?! *with matching fake smile*

Emcee: Ok, anyway.. let’s go back to…………..

Dave: Kim!

Kim: Gosh! Nakatingin yata silang lahat sakin! *bulong niya sa sarili*

Dave: Kim! Kim!

Nawala na sa state of shock si Kim at hinanap kung saan nanggagaling ang boses ng kanyang bestfriend. Nang makita niya si Dave na napapalibutan ng kanilang classmates ay nilapitan niya ito..

Dave: You’re late, Ms. Kimberly Ocampo Gonzales! Kanina ko pa hinihintay yung first dance ko. *teasing*

Kim: Sorry naman, Mr. John David Garcia Lopez! It was traffic on the way here. Where’s Gab?

Dave: Kasama niya sina Trixie. Anyway, let’s dance?

Kim: Sure!

They went to the dance floor. When the music started…

Kim: Nakita mo ba si Chris?

Note: Si Chris ay matagal nang mahal ni Kim. Matagal na niyang tinatago ito since first year pa. Supportive siya sa mga naging girlfriend ni Chris dahil madalas ay close friend pa niya ito. Kunwari ay happy siya for them pero deep inside, she dies day by day. Everytime na makikita niya ang mukha ni Chris ay lalo pang nahuhulog ang loob niya sa kanya. Sinusubukan niyang kalimutan ang nadarama niya kay Chris ngunit sadyang mahirap itong gawin. Kaya’t patuloy siyang umaasa na someday, mamahalin siya ni Chris.

Dave: Oo, ang gwapo nga niya eh, pero mas gwapo pa rin ako. Hahaha!

Kim: Hay naku. Hindi ka lang tamad at pasaway, feeling ka pa! Hahaha! Anyway, asan siya?? *kinikilig*

Dave: Sus, kilig ka naman. Ayun siya oh.

Kim: Oh my gosh! He’s sooooo handsome. Shucks! Sana isayaw niya ‘ko mamaya..

Dave: Malay mo. Who knows??

Pagkatapos magsayaw nina Dave at Kim, kinausap ni Dave si Gabby for a plan.

Dave: Gab, may naiisip akong plano.

Gab: Anong plano? Para saan?

Dave: Hindi para saan, para KANINO.

Gab: Ha?! Eh para kanino?

Dave: Para kay Kim. She told me that she wants to dance with Chris.

Gab: Ano gagawin natin? *excited*

Dave: Here’s the plan, makinig kang mabuti… “Paparusahan” ng barkada niyo (girl group) si
Kim dahil late siya. At ang parusa, sasayaw siyang mag-isa in the middle of the dance floor. Tapos, yung barkada naman namin (boy group), bibigyan ng dare si Chris.. At ang dare, sasayaw din siyang mag-isa in the middle of the dance floor. Ayos ba?

Gab: Wow! Good! Dali, game na!

Pumunta na sina Dave at Gab sa kani-kanilang mga barkada.

Gab: Guys, I have something to tell you.

Trixie: Go! Spill!

Gab: Since late si Kim, kailangan natin siyang parusahan. J

Kim: Huh?! Anong parusa?!

Gab: You have to dance ALONE in the middle of the dance floor.

Kim: Sounds fair since late naman ako, pero hindi ko yata kayang gawin yun. Nakakahiya naman.

Gab: Pero as you said, you’re late! So you have to deal with it, kahit anong mangyari.

Trixie: Go Kim! You can do it! Anyway, sikat ka naman dito sa school noh?! *sabay tulak kay Kim*

Kim: But…

Gab: No buts! Just do it!

Kim: Go Kim! You can do it girl! *bulong niya sa sarili*

Sa kabilang dako naman, nag-uusap-usap din ang grupo ni Dave.

Dave: Hey guys! Since medyo nakakaboring na ang party na ‘to, let’s have fun.

Matt: Have fun? What do you mean?

Dave: Let’s dare someone here in our group.

Matt: Then, who?

Dave: Who do you guys think?!

Chris: Hmmmmm…. I smell something fishy. Kayo ha?!

Dave: Bakit, sino ba sa palagay mo?

Chris: Sino pa nga ba? Eh, mukhang ako naman lagi ang pinagtritripan niyo eh.

Matt: Obvious naman noh?! Ikaw kaya ang heartthrob dito!

Chris: Eh, ano naman gagawin ko?

Dave: Simple lang, don’t worry. All you have to do is to dance ALONE in the middle of the dance floor. Doesn’t that sound good?

Matt: Agree ako diyan! Kayo?

Other boys: Go! Itulak si Chris! Hahahahahaha!

Chris: Uy! Teka lang! Hindi niyo na ko kailangang itulak. Piece of cake! Haha!

Dave: Ayun naman pala eh. What are you waiting for?

Nang makarating na si Chris sa center floor, nagsisimula nang sumayaw si Kim. Sa bilis ng mga pangyayari, hindi nila namalayan na sila na lamang ang natitirang sumasayaw sa gitna. Hanggang sa..

*bump!*

Nabangga nila ang isa’t-isa! At paglingon nila para mag-sorry..

Kim: (Oh…my…gosh!) *nakatulala habang nagsisimulang magblush*

Chris: Ay, sorry! Andiyan ka pala, hindi kita nakita.

Kim: Ahh.. ahh.. S-s-sorry din, hindi ko sinasadya.

Sa pagtugtog ng isang romantic song ay nagkantyawan na ang mga tao (dance! dance!). Walang nagawa ang dalawa at napilitang sumayaw.

Chris: Shall we dance? *deep inside, natutuwa na kinakabahan*

Kim: Do we have any other choice?

Chris: So…Shall we?

Chris bowed at inabot ang kanyang kamay kay Kim. The lady, of course held his hand. (Pause) Sabay naghiyawan lahat.

Chris: Mukhang ninenerbyos ka yata?

Kim: Hindi kaya.

Chris: Anong hindi, eh nanginginig yang mga kamay mo at obvious kaya sa mukha mo!

Kim: Fine! Eh kung ikaw kaya ang sumayaw sa gitna na kasama ang isang lalaking tulad mo, at take note, pinagtitinginan pa ng maraming tao, hindi ka ba mahihiya?

Chris: Hindi. Bakit naman ako mahihiya, gwapo naman ako. Hahaha!

Kim: Sus. If I know, nanginginig na yung tuhod mo. *giggles*

Chris: Hindi ah! Teka nga. Let’s change the topic.

Kim: Ok. You start.

Nang nagsimulang magkwento si Chris ay nagstart na rin ang bagong music ngunit hindi nila ito napansin. Pakiramdam nila ay tumigil ang oras.

Chris: Ganito kasi yun, meron akong crush na may mahal na iba.

Kim: Anong ibig mong sabihin?

Chris: Si girl kasi, inlove siya sa ibang lalaki. Actually, matagal ko na rin siyang crush pero hindi
ko masabi sa kanya kasi sobrang mahal niya yung guy, kung sino man yun.

Kim: Hay naku. Ahmm..Do you want me to give you an advice kasi hindi naman maganda kung unsolicited yung ibibigay kong payo.

Chris: Sure.

Kim: Kung ako sayo, sasabihin ko doon sa girl yung nararamdaman ko. Malay mo, kapag nalaman nung girl yung nararamdaman mo para sa kanya, magfall rin siya sayo.

Chris: Imposible yatang magfall siya sakin, sobrang inlove siya dun sa guy eh.

Kim: Sino ba kasi yung girl? Baka makatulong ako kapag nalaman ko. *deep inside, nasasaktan na*

Chris: Ah. Eh. Hindi ko pwedeng sabihin sa’yo.

Kim: Ah ganon ba. Sige, bigyan mo na lang ako ng clue.

Chris: Uhhmm.. Matagal na kaming magkakilala. Since grade school pa. Naattract ako sa kanya nung first year kami. Ang saya ko nga noon kasi naging close kami. May code name pa nga siya sa akin eh. Hehehe. Kaya lang.. Nagkaron kami ng gap nung second year. Hindi ko alam, bigla na lang siyang lumayo. Sobrang nalungkot ako noon pero eventually, nagkaayos na kami kasi nag-usap kami ng masinsinan. This year, bumalik na ulit yung dati naming friendship.

Kim: Ahh.. (Teka, parang ako yun ah..! Pero, sus, asa pa ko.) Bakit mo naman nasabi na may mahal siyang iba?

Chris: Kasi, wala na siyang ibang bukang bibig kung hindi yung lalaking mahal niya na never naman niya pinangalanan. I think she’s deeply in love with that guy. Parang naging emo na nga siya dahil dun eh.

Kim: (Gosh! I really think that’s me! Tama ba itong mga naririnig ko?!) … A-a-ahh..

Chris: (Patay! Hindi ako makapaniwalang nasabi ko yun! Lagot na, baka alam na niya na siya yun.)

Kim: (Hmm.. Magpanggap kaya ako na wala akong idea kung sino yung girl na tinutukoy niya?) … Oh, bakit parang tumahimik ka yata?

Chris: A-ah, w-w-wala… May naisip lang ako bigla.

Kim: Ahh.. Anyway, if I sum up all you’ve said… It means na…..

Chris: (Naku! Patay na talaga!)

Kim: Kaklase natin yung girl! Ayiee..! Sino kaya yun? Hahahaha!

Chris: (Yes! Hindi niya yata nahalata.) …Ha? A-ahh.. Ehh.. Oo na nga.

Kim: Hahaha! Got you! Who can that girl be?

Sa tagal nilang nag-uusap, hindi na nila namalayan ang mga nangyayari sa paligid nila. Hanggang sa…

Dave: Excuse me. Pwede ko bang maisayaw si Kim?

Chris: Ha.. Ahh.. Sure!

Kim: Thanks, Chris! *smile*

Chris: *smiles back at Kim*

Nang magstart sumayaw sina Kim at Dave ay nakita ni Chris ang expression ni Kim na masayang-masaya.

Chris: (Sabi ko na nga ba eh. Si David ang mahal ni Kim! May pag-asa pa kaya ako?)

Kim: *very happy* You won’t believe it!

Dave: Bakit? What is it?

Kim: I think Chris likes me! Gosh! Kinikilig ako. *blushing*

Dave: Oh?! Paano mo naman nalaman?

Sinabi ni Kim kay Dave ang lahat ng nangyari…

Dave: Talaga?! No joke?

Kim: Do I look like I’m joking?? *kinda annoyed*

Dave: Wow! I’m very happy for you! *sa sobrang tuwa ay nayakap niya si Kim*

Nagulat si Kim sa reaction ni Dave at ganon rin naman ang pagkagulat ni Dave nang ginawa niya iyon. Samantalang si Chris, sa ‘di kalayuan ay nasaksihan ang pangyayaring ito at lihim na nasasaktan.

Dave: Ahhmm.. Sorry. Masyado lang akong natuwa.

Kim: That’s ok. Thanks for being happy for me! My dreams will finally come to an end, ‘coz it’s now reality. *takes a deep breath*

Dave: Woah! Ang lalim magsalita ah!

Kim: Syempre! Ganyan talaga kapag inspired.

Dave: Samahan na natin si Gab.

Kim: Ok. Let’s go!

Nilapitan na nila si Gabby sa may buffet.

Gab: Hey! Kanina ko pa kayo hinihintay. Kain na tayo!

Dave: Eto kasing si Kim, napasarap yatang kasama si Chris. Hahahaha!

Kim: Bakit ba? Totoo naman ah! *giggles*

Habang kumakain sila, nag-announce ang emcee..

Emcee: The last dance will start within five minutes.

Kim: Ohh… my…. GOSH! May magsasayaw kaya sakin?

Dave: Gab, let’s go.

Gab: Paano si Kim?

Dave: Sus, isasayaw naman siya ni Chris.. Ayiee..

Kim: Wish ko lang!

Nang umalis na sina Gab at Dave…

Chris: (Tama ba itong nakikita ko? Si Gabby ang sinayaw ni David?? This is my chance, should I approach her?)

Matt: ‘Tol, si Kim oh mag-isa lang.. Yayain mo nang magsayaw.

Chris: Kinakabahan ako eh. Papayag kaya siya?

Matt: Just give it a try! You have nothing to lose.

^to be continued... :D^

A LITTLE OF REALITY - Characters



Main Characters:

Kimberly O. Gonzales – she’s the “all in one” girl. Sikat na sikat siya sa buong Juniors. Matalino, maganda, mayaman at higit sa lahat, mabait. Hindi siya nagpapatalo kahit kanino lalo na kapag alam niyang siya ang tama. Siya ang heiress ng napakalaking negosyo sa Pilipinas, ang Lavander Pearls.

Chris Alwin D. Hernando – gwapo, mayaman, kaya lang, medyo mayabang. Pero, kapag nakilala mo siyang mabuti, magugulat ka dahil sobrang bait at sweet pala niya. Kasosiyo ng dad niya ang dad ni David. Ang mom naman niya ay nanggaling sa isang kilalang pamilya.

John David G. Lopez – “boy next door” type siya. He’s cute, kind, pero minsan, tahimik. Mabibilib ka sa pagka-gentle man niya. Matalino rin siya at anak ng isang mayamang businessman. Hiwalay na ang parents niya at sa ngayon ay meron siyang step-mom.

Gabby Eunice M. Naval – nanggaling din siya sa elite group. Almost as perfect as Kim. Siya’y mabait, friendly, humble, maganda, at top one ng Juniors. Hahanga ka sa mga words of wisdom niya at sa pagiging no. 1 bestfriend ni Kim.

Ryan Jeon H. Klein – siya ay tinuturing na “bad boy cutie”. Heartthrob siya ng bayan, chick boy, bully, presko, ngunit lahat ng mga babae ay attracted sa kanya. Kapag nakilala mo na ang tunay na “Ryan” maiinlove ka talaga sa kanya, hindi lang dahil sa kagwapuhan niya.


Supporting Characters:

Matt – bestfriend ni Chris. May itsura ngunit hindi ganun kagwapo. Medyo may pagka-bully pero stick to one siya. Under siya ni Trixie.

Ken – siya ang pinakatahimik sa barkada pero kapag nakilala mo siya, sobrang pasaway pala. Partners in crime sila ni Dave kapag nangbibiro.

Baron – siya ang pinakapasaway sa kanilang lahat pero pag si Chelsea na ang pinag-uusapan, nagiging anghel siya.

Trixie - pinaka-girly sa barkada. Laging maayos ang itsura at may postura. Nag-iisang anak kasi siya kaya maluho at medyo spoiled subalit mabait naman.

Anne – siya ang pinakamatapang sa grupo. Kapag may nagtangkang umaway sa mga kaibigan niya ay siguradong reresbakan niya ang mga iyon. Mahal na mahal niya ang kanyang mga kaibigan.

Chelsea – palagi siyang maaasahan kapag may problema ka. Sobrang bait niya at matulungin. Mahilig siya sa music at arts.