Tuesday, March 18, 2008

A LITTLE OF REALITY - Chapter Four

CARNATIONS

6th Setting: Chris’ Room and Mount Groove Ville, Feb. 14 Thursday, 5am

Chris’ phone rings…

Chris: Ano ba ‘yan. Ang aga-aga may tumatawag agad. Sino kaya?... Uy, si Matt pala. Hello?

Matt: Hello, pasensya na at mukhang ako pa gumising sayo.

Chris: Ayos lang. Bakit ka napatawag?

Matt: Gusto ko lang malaman kung ready ka na.

Chris: For what?

Matt: ‘Tol naman! Anong date ba ngayon? Tumingin ka nga sa kalendaryo!

Chris: Sandali lang, ‘to naman. Oh ayan na. Feb. 14 ngaun, tapos?

Matt: Ano bang meron kapag Feb. 14?

Chris: Va-va-valentines Day! ‘Tol, I forgot! Wala pa kong regalo kay Kim, what should I do??

Matt: What are you waiting for?! Pumunta ka na sa flower shop, malapit lang naman iyon sa inyo ‘di ba?

Chris: Oo nga ‘no. Sige bye! Maliligo na ko. Salamat sa pag-papaalala!

Matt: Sige, tawagan mo nalang ako kung may kailangan ka. *whisper* Kasi naman, Valentines Day pa talaga kinalimutan.

Chris: Huh? Ano ‘yun?

Ken: Wala, sabi ko bilisan mo na! Baka maubusan ka pa ng ipangreregalo.

Chris: Sige ‘tol. Thank you ulit!

After niyang maligo, manalamin, at magpa-pogi…

Chris: Manong Rick, sa flower shop muna. May bibilhin lang ako.

Manong Rick: Sino date niyo ngaun, sir? Haha!

Chris: Wala ah. Bibigyan ko lang friend ko.

Manong: Sus! Sir, I was young long ago two, you know. You’re going to make ligaw? Who’s lucky the girl?

Chris: Nako, magdrive ka na nga lang manong! Haha!

In the flower shop…

Chris: Excuse me, miss. Nasan ‘yung mga tinda niyong bulaklak? Napaaga ba ako at wala pa kayong delivery?

Lady: Sir, actually, hindi po kayo napaaga. Nahuli na po kayo. Kani- kanina lang po kasi may nag-purchase na ng lahat ng tinda namin. Para po yata sa kasal.

Chris: Ganun ba? Wala na kayong stock kahit isa??

Lady: Hmm… Meron po kaso display lang namin ito sir.

Chris: Bibilhin ko. Name the price.

Lady: Nako, sir. Baka pagalitan ako kapag binenta ko ito.

Chris: Sige na, miss. Please! Importante lang. P450!

Lady: Sige na nga po, sir.

Chris: Yes! Salamat, miss!

Lady: Ang swerte naman po ng bibigyan niyo nito. Goodluck, sir!

Chris: Thank you!

Tinawagan ni Chris si Matt…

Chris: Hello.

Matt: Oh ‘tol. Kamusta ka na diyan? Nakabili ka na?

Chris: Oo. Muntik na ngang hindi eh.

Matt: Bakit?

Chris: Naubos na stock nila. Buti na lang binenta sa’kin yung display. Haha!

Matt: Ayos ah. Haha! Nasan ka na? Malapit na ako sa school.

Chris: Paalis pa lang ako galing flower shop. Kita na lang tayo sa school. Bye!

Matt: Sige, bye!

7th Setting: St. Miriam High School, 6:15 am

Dave: ‘Tol! Aga mo ngayon ah!

Chris: Siyempre. Haha!

Baron: Oh, ano ‘yang dala mo? Ayiieee... Para kay Kim noh?

Chris: Oo. Ayos ba?

Ken: Anong ayos? Ok na ok nga eh! Lagyan mo rin ng letter para sweet. Haha!

Matt: Nako, muntik pa nga iyang hindi makabili ng regalo eh!

Dave: Oh?! Bakit naman?

Chris: Nakalimutan ko kasi na Valentines Day ngayon. Haha! Buti na lang tinawagan ako ni Matt kaninang 5 am.

Baron: Ah, kaya pala medyo maaga ka ngayon kasi 5am ka nagising. Haha!

Ken: Grabe ka, pati ba naman Valentines Day kinalimutan! Hahaha! =))

Chris: Sorry naman.

Matt: Ay, advance happy birthday nga pala!

Chris: Thanks!

Dave: Oo nga noh?! Dalawang araw na lang pala birthday mo na, advance happy birthday! Haha!

Chris: Salamat!

Baron: Oh, bakit parang bigla kang nalungkot? Nagkataon na nga na walang pasok bukas, makakapagprepare ka sa birthday mo tapos ganyan pa itsura mo.

Chris: Ha? Kasi si Kim, baka hindi siya makapunta sa Sabado.

Ken: Oo nga pala. Teka, papasok na kaya siya ngayon?

Chris: Ay, tanga! Baka nga hindi pa siya pumasok!

Kim: Hi guys!

Nagulat ang lahat nang marinig nila ang boses ni Kim. Bumalik ang ningning sa mga mata ni Chris.

Others: Kim!!

Chris: Ay, joke. Andiyan na pala siya. Haha!

Dave: Ok ka na?

Kim: Yup.

Chris: Akala ko sabi ng doktor mo kailangan mong magpahinga.

Kim: Pinayagan na ako ni Dr. Manuel eh. Sabi niya mabilis daw recovery ko.

*bell rings*

Kim: Sige, mamaya na lang.

*lunch break*

Sa table ng mga lalaki…

Matt: ‘Tol, edi makakapunta na si Kim sa birthday mo?

Ken: Oo nga!

Chris: Sana.

Baron: Hay nako. Kung ako sayo, tanungin mo na siya.

Dave: Oo nga. Ayun sila oh!

Pumunta si Chris sa table ng mga girls…

Chris: Girls, what time kayo pupunta sa bahay namin on Saturday?

Trixie: Kung anong oras magsisimula.

Chelsea : Oo nga. What time ba start?

Chris: Mga 2pm.

Chelsea: Ah. Ano Trix, sabay sabay na tayo nina Baron at Matt?

Trixie: Sure! ‘Kaw Anne wat time ka pupunta?

Anne: Mga before 3pm siguro kasi dadaan pa kami ni mommy sa rancho namin, my horse back riding lesson kasi ako ng mga 1pm eh. Susunduin naman ako ni Ken. Ok lang Chris?

Chris: Oo, walang problema. Gab and Kim, kayo?

Gab: Hindi ko pa sure pero siguro around 2:30 andun na ko, sabay kasi kami ni Dave, eh may check-up pa raw siya, so aantayin ko siya sandali. Kasi kung hindi ko siya hihintayin, wala akong kasama. Siya lang kasi ang may malapit na bahay sa amin eh.

Chris: Ah, sige.

Chelsea : Ay teka guys! Gab, Trixie, Anne, kailangan pala nating pumunta ngayon sa library para sa report natin mamaya, ano tara na?

Gab: Sige tara!

Anne: Chris, Kim, iwan na muna namin kayo ha.

Kim: Uy, teka lang!

Trixie: Ayan kasi, ang bagal mo kumain. Haha! Later!

Chris: Ahmm, nga pala, anong sabi ng mommy mo?

Kim: Chris, pasensya na, palagay ko hindi ako makakapunta sa birthday mo.

Chris: Bakit?

Kim: May reunion kasi kami sa side ni mommy on Saturday. Hindi pwedeng hindi ako pumunta.

Chris: Mga anong oras ba ‘yun?

Kim: After lunch daw.

Chris: Ganon ba?

Kim: Pasensya na talaga Chris ha. Alam kong once in a year lang birthday mo, tapos hindi pa ako makakapunta. Sorry talaga. Tsaka hindi naman siguro ako malaking kawalan dun ‘di ba? Andun naman mga friends mo. I’m sure mag-eenjoy ka pa rin! (Wah! Kung alam mo lang, gustong-gusto ko pumunta.)

Chris: Oo. Pero mas masaya pa rin pag kumpleto tayo diba? (Besides, hindi mabubuo b-day ko pag wala ka.)

Kim: Try ko pa rin.

Chris: Promise ha?

Kim: Promise!

Chris: Sige. Balik na tayo sa room, malapit na magtime.

Sabay na bumalik ang dalawa sa classroom nila.

Dave: Ano daw ‘tol, sasama ba siya?

Chris: Mukhang hindi nga eh.

Boys: Oh?!

Ken: Bakit daw?

Chris: May reunion daw family nila. Hindi raw siya pwede mawala. Tae, paano na birthday ko?
Badtrip!

Matt: Ayos lang yan ‘tol! Malay mo magkaroon pa ng changes, diba?

Baron: Onga naman!

Dave: Oist, nandiyan na si tanda.

Class: Good morning Ms. Santiago (weh).

*bell rings*

Bago umuwi, nagstay muna ang barkada sa room.

Dave: ‘Tol ano pa bang hinihintay mo ha?

Chris: Sige na pupuntahan ko na siya.

Dave: Break-a-leg!

Chris: Haha! Lalo mo naman akong pinakaba eh.

Sinenyasan ni Dave si Gab na iwan si Kim para magkaron ng chance si Chris kay Kim.

Gab: Girls, pwede bang punta muna tayo sa canteen? Nagugutom na ako eh.

Kim: Sige, tara!

Gab: Oooops! Maiiwan ka dito. Haha!

Kim: At bakit?

Gab: May kakausap sa’yo.

Kim: Huh? Sino?

Gab: Secret =). Hintayin mo na lang.

Umalis na ang mga girls at naiwan si Kim. Lumapit si Chris at tinakpan niya ang mata ni Kim.

Kim: Dave?

Chris: (Haay, si Dave na naman.) Hulaan mo.

Kim: Ay. Joke lang, akala ko si Dave eh. Haha! Chris?

Chris: Yeah, it’s me.

Kim: Ikaw ba ung sinasabi ni Gab na kakausap sa’kin? Bakit? Tsaka ano ‘yang nasa likod mo?

Chris: Ahmm… Wala ‘to.

Kim: Anong wala? Dali na patingin. Ano ba kasi yan?

Chris: Wala nga. Makati lang likod ko.

Kim: Ang kulit mo. Ok, kung ayaw mong ipakita sa’kin ‘yan, baka pwede mo namang sabihin sa’kin kung bakit mo ‘ko gustong makausap?

Chris: May ibibigay sana ako sa’yo.

Kim: Ano?

Inilabas ni Chris ang bouquet of flowers from his back. Nagulat si Kim.

Kim: Wow! Para saan naman ‘yan?

Chris: Happy Valentines Day!

Kim: Awww… (blushing) Ha-happy valentines din!

Chris: A-a-aaa..

Kim: Nauutal ka?

Chris: Wala kasi akong masabi eh.

Kim: Haha! Para ka namang ewan. Anyway, thank you ah!

Chris: For what?

Kim: Malamang dito sa flowers. Infairness favorite ko ito ah.

Chris: Ah, haha! Sabi ko nga. No problem. Favorite mo pala ang Carnations?

Kim: Yup. Bakit mo nga pala ko binigyan niyan?

Chris: Kasi…

Kim: Kasi?

Chris: Because you’re special for me (sige lang Chris, malapit mo nang masabi).

Kim: Paanong special? (Omg, totoo ba ito??)

Chris: Ahhmm… Basta special (wala na, gumana na naman pagkatorpe mo).

Kim: (Ay. Akala ko naman kung ano.) Ah. Sige, salamat ulit! You made my Valentines Day memorable.

Chris: Siyempre, malakas ka sa’kin eh. Sabay-sabay na pala tayo lumabas nina Dave.

Kim: Sure! Lagi naman kaming sabay ni Dave lumabas eh. Pati na rin si Gab.

Chris: Ah, sige. (Pati ba naman paglabas si Dave pa rin bukambibig mo?)

Habang naghihintay ng sundo...

Dave: Kim! Ano, ok ka na ba talaga?

Kim: Yup!

Dave: That’s good to hear.

Gab: Paano ka na sa Sabado?

Kim: Hindi ko pa nga sure eh. Pero try ko talaga sumama para kay Chris.

Chris: Yes! Salamat ah!

Kim: Sure thing! Ayan na pala si kuya Jun. Sige, una na ko.

Chris: Sige, see you!

Kim: I’ll try! =) Bye!

Others: Bye!

Dave: Ano ‘tol, nasabi mo ba?

Chris: Hindi nga eh.

Gab: Haay nako, you’re so lame talaga. Haha! Joke!

Dave: ‘Tol, kailan mo balak magtapat sa kanya?

Chris: Sa birthday ko sana eh. Kaya nga kailangan nandoon siya.

Gab: I’ll help! Gagawa ako ng paraan para makasama siya. =)

Chris: Salamat ah.

Dave: Gab, alis na tayo. Ayan na rin pala sundo natin.

Gab: Bye Chris!

Chris: Sige, bye! Parating na rin siguro sundo ko. Sa Sabado ah!

Dave: Oo naman ‘tol! Sige na, bye!

Habang nasa BMW si Kim…

Kim: (Uy, may letter pala dito.) *reads the letter silently*

Hey Kim! I hope you liked the flowers. Sana rin napasaya ko araw mo. I just want you to know na you’re special and that I’m always here for you. Anuman problema mo, nandito lang ako sa likod mo or minsan sa harap. Haha! Joke! Basta, I’m sure you get my point. Sige, ‘till here na lang. Happy Valentines Day! – Chris

Kim: Aww.. Ang sweet naman.

Kuya Jun: Ms. Kimberly, ang ganda naman niyan. Galing sa manliligaw niyo?

Kim: Hindi ah. Si Kuya Jun talaga oh. Haha! Bigay ng friend ko. Si Chris, yung malapit satin.

Kuya Jun: Ah. Siguro may gusto iyon sa inyo. Ayiieee. Si Ms. Kim, dalaga na talaga.

Kim: Nye. Wala ‘yun. Friends lang kami.

Kuya Jun: Nako Ms. Kim, hindi basta basta nagbibigay ng bulaklak ang isang lalaki sa babae kung “friends” lang. I’m berry sure na may gusto iyon sa’yo.

Kim: (Sana lang tama ka, Kuya Jun.) Hehe. Kayo talaga! =) (How I wish it’s true!)

^to be continued...:D^