Friday, January 25, 2008

A LITTLE OF REALITY - Characters



Main Characters:

Kimberly O. Gonzales – she’s the “all in one” girl. Sikat na sikat siya sa buong Juniors. Matalino, maganda, mayaman at higit sa lahat, mabait. Hindi siya nagpapatalo kahit kanino lalo na kapag alam niyang siya ang tama. Siya ang heiress ng napakalaking negosyo sa Pilipinas, ang Lavander Pearls.

Chris Alwin D. Hernando – gwapo, mayaman, kaya lang, medyo mayabang. Pero, kapag nakilala mo siyang mabuti, magugulat ka dahil sobrang bait at sweet pala niya. Kasosiyo ng dad niya ang dad ni David. Ang mom naman niya ay nanggaling sa isang kilalang pamilya.

John David G. Lopez – “boy next door” type siya. He’s cute, kind, pero minsan, tahimik. Mabibilib ka sa pagka-gentle man niya. Matalino rin siya at anak ng isang mayamang businessman. Hiwalay na ang parents niya at sa ngayon ay meron siyang step-mom.

Gabby Eunice M. Naval – nanggaling din siya sa elite group. Almost as perfect as Kim. Siya’y mabait, friendly, humble, maganda, at top one ng Juniors. Hahanga ka sa mga words of wisdom niya at sa pagiging no. 1 bestfriend ni Kim.

Ryan Jeon H. Klein – siya ay tinuturing na “bad boy cutie”. Heartthrob siya ng bayan, chick boy, bully, presko, ngunit lahat ng mga babae ay attracted sa kanya. Kapag nakilala mo na ang tunay na “Ryan” maiinlove ka talaga sa kanya, hindi lang dahil sa kagwapuhan niya.


Supporting Characters:

Matt – bestfriend ni Chris. May itsura ngunit hindi ganun kagwapo. Medyo may pagka-bully pero stick to one siya. Under siya ni Trixie.

Ken – siya ang pinakatahimik sa barkada pero kapag nakilala mo siya, sobrang pasaway pala. Partners in crime sila ni Dave kapag nangbibiro.

Baron – siya ang pinakapasaway sa kanilang lahat pero pag si Chelsea na ang pinag-uusapan, nagiging anghel siya.

Trixie - pinaka-girly sa barkada. Laging maayos ang itsura at may postura. Nag-iisang anak kasi siya kaya maluho at medyo spoiled subalit mabait naman.

Anne – siya ang pinakamatapang sa grupo. Kapag may nagtangkang umaway sa mga kaibigan niya ay siguradong reresbakan niya ang mga iyon. Mahal na mahal niya ang kanyang mga kaibigan.

Chelsea – palagi siyang maaasahan kapag may problema ka. Sobrang bait niya at matulungin. Mahilig siya sa music at arts.

1 comment:

ssshhh... said...

story= personal experience???
hmmmm...
nwei, just dropped by to congratulate you for your first chapter... continue writing... be inspired!!1 good luck!!