THE AMULET
Kim: Huh? (Parang iba na yun ah!)
Chris: It’s you, Kim. Ikaw yung girl na matagal ko nang gusto. (Sa wakas! NASABI KO NAAAA!)
Kim: (Tama ba yung narinig ko?!?)
Chris: Kim?
Kim: (Woah! Parang hindi pa rin nagsisink-in yung sinabi niya ah. Breathe, Kim! Breathe!) H-ha?
Chris: Sabi ko, ikaw yung babaeng gusto ko. (Aba, ang tapang ko na ah!)
Kim: R-really?
Chris: Yes. Galit ka ba?
Kim: Hindi ah! Bakit naman ako magagalit?
Chris: Wala lang. Alam ko kasing may mahal ka nang iba... but can you please give me a chance?
Kim: (Shucks!! Parang nananaginip yata ako. Gising na, Kim!!
...ooops! Totoo pala talaga ‘to!)
Sa sobrang pagka-shock sa mga narinig, hindi na ulit nakapagsalita si Kim. Nginitian na lang niya si Chris.
Chris: (Hindi naman yata siya galit.) I suppose that’s a “yes”?
Kim: Uhmm..
Chris: You don’t have to love me instantly, Kim. Just let me love you... masaya na ako dun.. (for now!)
Kim: (Kung kaya ko lang sabihin sa’yo, Chris, na ikaw yung lalaking matagal ko nang mahal.. mahal na mahal.)
Chris: Oo nga pala! Diyan ka lang ha, may ibibigay ako sa’yo.
Hindi na hinintay ni Chris ang sagot ni Kim at nagmadali siyang umakyat sa kanyang kwarto. Samantala, nakita ni Dave na mag-isa lang si Kim sa porch kaya nilapitan niya ang kanyang bestfriend.
Dave: Hey. Ayos ka lang, bes?
Kim: Hindi nga eh.
Dave: Bakit? May problema ba?
Kim: Si Chris kasi..
Dave: Anong ginawa niya?
Kim: Inamin na niya sakin kung sino yung babaeng gusto niya.
Dave: Talaga?! Sa wakas! Nagkaron na rin ng lakas ng loob yung mokong na yun! Hahaha!
Kim: Alam mo? Bakit hindi mo sinabi sakin?!
Dave: Siyempre naman! Ayokong ma-spoil ka noh. Dapat sa kanya yun mismo manggaling.
Kim: Nakakainis ka naman eh! Hmp!
Dave: Nakakainis daw. Sus, kinikilig ka na deep inside!
Kim: Hindi nga ako makapaniwala eh. Para akong nasa isang fairytale.
Dave: Dream come true ba?
Kim: Sobra!
Dave: I’m very happy for you, Kim.
Kakausapin na sana ni Chris si Kim pero nakita niyang kasama niya si Dave. Pinakinggan niya muna ang usapan ng dalawa at sumilip ng konti.
Kim: Thank you, Dave. *sabay yakap sa bestfriend*
Chris: (Niyakap niya? Teka, hindi ako dapat magselos. Sila na mismo ang nagsabi, bestfriends lang sila diba? )
Dave: Uy, si Chris!
Parang nakuryente si Kim nang marinig niya ang pangalan ng lalaking yun.
Dave: Sige, Kim. Maiwan ko na muna kayo. *bumulong* Goodluck!
Pagkaalis ni Dave...
Kim: Uhm.. Ano nga pala yung ibibigay mo sa’kin?
Chris: Eto oh. *nilabas ang isang amulet na may pendant na kulay blue*
Kim: Ano ‘yan?
Chris: Blue Cookie! Diba sabi ko sa’yo dati bibigyan kita niyan?
Kim: Ahh. Naalala mo pa pala yun. Haha! Bakit may lace na siya?
Chris: Pinagawa ko ito especially for you. Lagi mong susuotin ‘to ha? Para makaiwas ka na sa disgrasya. Hahaha!
Kim: Sure!
Mistulang "yayakapin" na ni Chris si Kim ng biglang..
Kim: (Yikes!) Oh! Anong gagawin mo?
Chris: Isusuot ko sa’yo yung necklace. Bakit?
Kim: Ah. Ganun ba? (Gosh. Kinabahan ako dun ah!) Ok.
Nilagay na ni Chris ang Blue Cookie necklace sa leeg ni Kim.
Kim: Thanks, Chris.
*katahimikan*
Gab: Chris! Uuwi na kami, gabi na kasi eh. Thank you ha. Happy birthday!
Nagulat ang dalawa nang marinig ang boses ni Gabby.
Chris: S-sige. Salamat din sa pagpunta!
Matt: ‘Tol, una na kami.
Others: Bye, Chris! Happy birthday!
Kim: Uhmm, Chris. Uuwi na rin ako. Happy birthday ulit!
Chris: Hatid na kita.
Kim: Hindi na. Sasabay ako kay Dave eh.
Chris: Ah, ganun ba?
Kim: Yup. May pag-uusapan yata ang dad ko tska dad niya. Alam mo naman, mga businessman.
Sumigaw si Dave mula sa gate..
Dave: Kim! Ready ka na?
Kim: Oo, nandiyan na! Bye, Chris!
Chris: Sige, ingat!
Pagkalabas ni Kim ng gate...
Chris: Kaya ko naman palang sabihin eh! Haaay. Ano na kayang mangyayari pagkatapos nito?
^end of 1st SAGA^
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment